UPANG lumuwag ang national headquarters, nagbalangkas si Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan ng Camp Crame Development Plan na naglalayong paluwagin ang nasa-bing kampo.
Sa panayam kay Cascolan, aprubado na ang nasabing plano kung saan ilang yunit ay ililipat gaya ng Highway Patrol Group na nararapat ay malapit sa mga malalaking kalsada upang mabilis na makaresponde.
Kasama rin sa maaring ilipat ay ang Special Action Force (SAF) para magkaroon ng sapat na lugar para sa pagsasanay.
Maging ang para sa K-9 units ay plano ring ilipat.
“Decongesting Crame is the key to accommodate people who are visiting the headquarters for their inquiries or seeking help,” ayon kay Cascolan.
Ang Camp Crame Development Plan ay isa lamang sa mga accomplishment ni Cascolan sa mahigit tatlong buwan niyang panunungkulan bilang Deputy Chief for Operations at ngayong linggo ay kaniya nang itu-turn over ang mga binalangkas na programa kay Lt. Gen. Guillermo Eleazar na kanyang kapalit.
Gayunman, inaasahan din na madaragdagan pa o may improvement pa sa nasabing plano lalo na’t DCA na si Cascolan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.