UMAPELA si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa kapwa niya mga kandidato na iambag ang bahagi ng kanilang budget sa kampanya sa halalan na pantulong sa mga labis na naapektuhan ng kalamidad o bagyong Odette.
” I am appealing to my fellow candidates, whether for national or local posts, to do the same. I know that advertising is a huge part of everyone’s campaign right now, given the limited movement imposed by the ongoing pandemic, but these concerns are nothing compared to how our people are hungry and homeless in Visayas and Mindanao. They need all the help that we can give,” anang senador.
Katuwiran ni Zubiri sa kanyang apela, lahat sila ay kumakandidato upang magsilbi sa kapwa at ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo ay bahagi na ng pagseserbisyo.
Naibahagi naman ng senador na ang ipinambili niya ng mga ipinamahaging bigas, groceries, tubig, masks, at tents ay kanyang advertising budget para sa kanyang pagkandidato muli sa pagka-senador.