PINABABAKLAS na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nagkalat na campaign materials ng mga kandidato bago ganap na magsimula ang kampanya para sa national level bukas, araw ng Martes.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, dapat na sumunod sa kanilang direktiba ang mga politiko at kanilang mga tagasuporta para mai-wasang mapatawan sila ng election offense na maaring makaapekto sa kandidatura ngayong nalalapit na eleksiyon.
Nagpadala na ng sulat ang Comelec sa mga kandidato at mga political party para alisin ang kanilang mga poster o streamer na nagkalat sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Pahayag ni Jimenez, hindi na sila umaasang sasagot ang mga tumatakbo sa 2019 elections ngunit umaasa sila na tatalima ang mga ito sa kanilang kautusan.
Ituturing na ilegal at paglabag sa batas ang campaign materials ng isang kandidato na makikita sa pagsisimula ng kam-panya. JOPEL PELENIO-DWIZ
Comments are closed.