HINDI maaaring magpaskil ng campaign materials sa mga pasilidad ng Light Rail Transit (LRT) at sa iba pang government transport facilities ang mga kandidato sa May 13 midterm elections.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesman James Jimenez, mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng campaign materials sa mga government-run infrastructure, gaya ng LRT at Metro Rail Transit Line 2.
Aniya, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpahayag na bawal gamitin ang government resources sa pangangampanya.
Dahil dito, makikipag-ugnayan na ang Comelec sa Department of Transportation (DOTr) para sa pagbabaklas ng campaign advertisements na nakapaskil sa LRT.
“Bawal maglagay ng advertisement sa anumang government-run means of transportation. We will be coordination with them [in DOTr] to address this. Puwede natin ipatigil ‘yan,” giit ni Jimenez.
Inaasahang sa Pebrero 28 ay sisimulan na ng task force ang pagbabaklas ng illegal campaign materials na wala sa takdang sukat at iyong wala sa mga deklaradong common poster areas. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.