Nakipag-usap na ang mga miyembro ng Department of Education (DepEd) Executive Committee (Execom) sa mga student-journalists ng Camiguin sa EdukAksyon Press Conference hinggil sa kanilang perspektiba sa blended learning modality na ipinatupad noong panahon ng COVID-19 pandemic.
“We know that the inputs of our learners are significant to improve the education delivery in the country. We are very much aware that they are the ones experiencing our policies first-hand, together with our public school teachers,” ani Education Secretary Leonor Magtolis Briones.
“The active participation of the youth in the policies of the education sector is an important aspect in making sure that we are giving them the quality basic education. We have to think about the future of our learners, and through this, we would know what they would need in the next few years,” dagdag pa niya.
Ayon kina Campus Journalists Marde Pacto at Christian Pantallano ng Yumbing National High School, Mambajao, Camiguin, dalawang taon na silang sumasailalim sa distance learning setup.
“Based on my experience, the blended learning and face to face were quite different. It was different for me because it had been almost two years that there was no face to face classes. It’s like I’ve learned more [during the face to face] than what I’ve actually learned from the modular learning,” ani Pacto.
Nagkaroon na rin ng pag-uusap sina Undersecretary and Chief of Staff Atty. Nepomuceno Malaluan at ang mga mag-aaral kaugnay ng in-person classes na ipinatutupad na ngayong School Year 2021-2022 sa buong bansa.
Liban sa mga problemang kanilang hinarap noong panahong ng pandemya, nagbigay rin ng mga suhestyon si Pantallano para mapagbuti ang pagpapatupad ng face to face classes.
“Ang suhestyon ko sa DepEd para mapabuti ang paghahatid ng edukasyon sa pangkalahatan para sa face to face classes ay mas paglaanan ng guro ang mga estudyante ng mas mahabang oras upang maturuan kami ng mga leksiyon,” ayon kay Pantallano.
Bilang bahagi ng policymaking ng DepEd, binigyang diin ni Undersecretary Malaluan na alam ng kanilang Departmento ang mga naganap at magaganap na pagbabago pati na ang hamon sa mga mag-aaral lalo na sa pagpapatupad ng Basic Education – Learning Continuity Plan.
“We also asked some questions to the campus journalists in CAR [Cordillera Administrative Region], at may pagkakapareho ‘yong mga nabanggit nila na naging challenging sa kanila ‘yong distance learning in terms of time management,” ayon pa kay Malaluan.
“Nabanggit din ng mga bata na kapag independent learning ay malaki ang adjustments. Kailangan niyang i-address ‘yong procrastination niya, and ‘yong isa, ang naging solution niya ay kailangan niyang tanggalin ‘yong mga apps for social media,” dagdag pa ni Malaluan.
Liban sa blended learning at face to face classes discussion, itinanong din ng mga student-journalists kung ano na ang mga ginagawa ng DepEd upang malutas ang iba pang education issues at kung mayroon na ba silang nasolusyunang problema. KAYE NEBRE MARTIN