BUNSOD ng masungit na panahon dulot ng bagyong Samuel, isinailalim na ni Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte sa blue alert status ang lalawigan.
Nakasaad sa Memorandum No. 1 na ipinalabas ng gobernador, inaktibo na ang kanilang mga operation center at inihanda ang kanilang mga contingency plans at iba pang mga plano para sa mabilis na implementasyon kaugnay ng posibleng epekto sa Camarines Sur ng masamang kalagayan ng panahon.
Inutusan na rin nito ang PDRRMC Camarines Sur sa pagbibigay ng update sa kalagayan ng lalawigan kaugnay ng binabantayang bagyo.
Samantala, batay naman sa data ng Philippine Coast Guard (PCG) Pasacao, bumaba na lamang sa 27 pasahero na patungo sana sa Masbate ang stranded sa Pasacao Port dahil sa nakataas na signal number 1 sa naturang lalawigan. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.