INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Canadian-American na wanted at tumakas sa bansa na inakusahan sa panggagahasa sa isang 17-anyos na babae sa Subic, ilang taon na ang nakakaraan.
Kinilala ni BI port operations division chief Grifton Medina ang suspek na si Fouad Bounab, 54, na dumating sa NAIA Terminal 3 sakay ng Air Asia flight galling sa Kuala Lumpur.
Ang suspek na nakakulong na ngayon sa Camp Crame matapos ang kanyang pagkakaaresto, ay ineskortan ng dalawang PNP kung saan sinundo siya sa Kuala Lumpur matapos na arestuhin ng Malayian authorities.
Ayon kay Atty. Rommel Tacorda, Hepe ng BI’s border control and intelligence unit (BCIU) na si Bounab ay nasa listahan ng Interpol na insiyuhan ng red notice.
“He fled to Malaysia to evade prosecution for his crime. Fortunately, our counterparts in Malaysia were able to trace his whereabouts and he was arrested and brought back to Manila,” ayon kay Medina.
Dagdag pa ni Medina na si Bounab was kinasuhan ng paulit-ulit na panggagahasa sa kanyang biktima sa Subic, Zambales noong March ng nakaraang taon.
Nabatid na hinihkayat ng suspek ang kanyang mga biktima na makipag-sex sa kanya nsa pamamagitan ng social media na nauuwi sa prostitusyon o sexual explitation.
Insiyu ang warrant of arrest laban kay Bounab ni Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Judge Gemma Logronio noong July 8 ng nakaraang taon.
Bukod sa kasong Rape, paglabag din sa anti-trafficking act at cyber crime law ang isinampa rin sa suspek sa Caloocan RTC. PAUL ROLDAN
Comments are closed.