CANADIAN NATIONAL TIMBOG SA P48-M SHABU

DINAKIP ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport Drug Interdiction Task Group (NAIADITG) ang isang Canadian national na nagtago ng mahigit sa P48 milyon halaga ng shabu sa kanyang bagahe.

Kinilala ang suspek na si Wendy Jane Marais, 64-anyos na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Huwebes ng hapon sakay ng Japan Airlines flight mula sa bansang Mexico.

Ayon sa report ng mga tauhan ng NAIADITG, binalot isa-isa sa chocolate candy wrappers shabu na may kabuuang timbang na 7.15 kilos na tinatayang aabot sa P48,680,000,00 milyon ang halaga na itinago sa loob ng suspek sa kanyang bagahe.

Nadiskobre ang naturang droga matapos ipahalughog o ipa-search ang kanyang luggage at sa tulong ng kanilang foreign drug-counterpart sa ibang bansa.

Agad inilipat si Marais sa kamay ng mga tauhan ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA), at kasalukuyang inihahanda ang kasong kriminal dahil sa paglabag ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. FROILAN MORALLOS