CANADIAN PM JUSTIN TRUDEAU NANGUNA SA SELEBRASYON NG FILIPINO HERITAGE MONTH

Justin Trudeau

CANADA – IPINARAMDAM ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na kaibigan siya ng Filipinas nang kanyang pangunahan ang selebrasyon ng Filipino Heritage Month sa Scarbo­rough Center Ontario.

Bumisita rin si Trudeau sa iFV Foods, isang Pinoy eatery, kung saan sinamahan siya ni Scarborough Center member of Parliament Salma Zahid kung saan nakauap niya ang mga mga Pinoy.

Samantala. isa si Zahid sa nagsulong upang ideklara ang buwan ng Hunyo bilang Filipino Heritage Month sa Canada noong 2018.

Bago ito ipinaabot ni Trudeau ang pagbati sa Filipinas at mamamayan kaugnay ng ika-121st anniversary of Philippine Independence.

Inalala rin ni Trudeau ang malalim na relas­yon ng dalawang bansa. EUNICE C.

Comments are closed.