TULUYANG nagbitiw sa puwesto bilang Canadian Prime Minister si Justin Trudeau nitong Lunes at maging ang kanyang pagiging lider ng Liberal Party sa loob ng siyam na taong panunungkulan kung saan hihintayin na lamang nito na makahanap ng kapalit sa gagawing election.
Ito ang kinumpirma ni Trudeau matapos ang isang dekadang panunungkulan bilang lider ng nasabing bansa kung saan nagbitiw rin siya bilang lider ng Canada’s ruling Liberal Party.
Base sa ulat ng ilang news agency, ang pagbibitiw ni Trudeau ay inanunsyo sa news conference sa Ottawa, Canada kahapon kung saan binanggit nito na “internal battles” at kinakailangan maghanap ng hahalili sa susunod na election.
Kinumpirma rin ni Trudeau na mananatili siyang Prime Minister hanggang sa magkaroon ng bagong halal na Liberal Party leader kung saan sinabi nito ang pansamantalang pagkakaparalisa ng Parliament sa loob ng ilang buwan.
Napag-alamang tumitindi ang pressure mula sa kanyang partido na tuluyan siyang magbitiw sa tungkulin matapos mag-resign ang kanyang finance minister nitong Disyembre 2024.
Nabatid din sa ilang news agency na ang balitang pagbibitiw ni Trudeau ay umaalagwa dahil lumalabas sa poll na ang Liberal ay matatalo laban sa opposition Conservatives sa susunod na election.
“I have always been driven by my love for Canada, my desire to serve Canadians… and Canadians deserve a real choice in the next electioin.” pahayag ni Trudeau sa news conference.
“I’m a fighter, and I will always be motivated by what is in the best interest of Canadians,” dagdag pa ni Trudeau.
Ang pagbibitiw ni Trudeau ay senyales ng katapusan ng era para sa Liberal leader kung saan patuloy na lumalala ang kritisismo sa makalipas na taon kaugnay sa internal at external challenges.
Kinumpirma rin ng ilang news agency na ang Parliament ay nakatakdang mag-resume sa Enero 27 para sa election ay sinuspinde hanggang Marso 24, 2025.
MHAR BASCO