PAMBIHIRA! Hindi pinirmahan ang “Anti-Palo” bill na pinagbabawalan ang physical punishment sa mga bata, pero nilagdaan naman ang National Integrated Cancer Control Act para makapagbigay ng libreng gamutan sa mga taong may cancer. Now is this good news, or is this really good news?
Malamang marami ang pupuna at kokontra na para bang magkasaliwang desisyon na ito ng pangulo. Dapat nga bang ipagbawal ang pagpalo sa mga bata? Nasubukan ba ninyo ang mapingot sa patilya noong bata kayo? O ang matsinelas habang tumu-tulo ang sipon? Eh ang lumuhod sa munggo? Ako po, oo. “Whoever loves discipline loves knowledge, but whoever hates correc-tion is stupid.” (Proverbs 12:1). Now let me tell you a personal story.
EHEMPLO SA AMERIKA
Halos kaga-graduate ko lang ng medisina sa UST at ako ay tumungo sa California upang tumulong sa promotions ng isang libro na isinulat ng ama ng isang sikat na action star dito. Pinatira nila ako sa kanilang magarang bahay at doon ay kasama nila ang isang teenage na anak na tawagin nating ‘J’. Mabait naman si ‘J’ ngunit sa panahon ng hip-hop ay malaki ang impluwensiya sa mga Amboys (Puti ang ama at Pinay ang ina) ng kawalang galang sa magulang.
Kaya mo bang tawagin ka sa iyong unang pangalan ng inyong anak? Ito ang gawi ni ‘J’ kapag siya’y nagdadabog matapos utusan. Minsan ay pinalo siya ng kamay sa puwet ng ama dahil ayaw pumasok ni ‘J’ sa eskuwela at planong umistambay sa mall kasama ng grupo. Kinagabihan ay may dumating na patrol car at hinuhuli ang magulang. Tumawag pala ang bata sa 911. Ito kasi ang turo sa kaniya ng mga kabarkada. Ganito ba ang mangyayari kung sakali sa ating bansa?
Sa ilalim ng nasabing panukalang batas na akda ni Sen. RH or Bill 1477, ay tinatanggal ang karapatan ng mga magulang na gamitin nito kung sa palagay nila ang nararapat sa pagdisiplina sa sariling anak. Ngunit naniniwala ang pangulong PPRD, na sapat na ang Family Code para mabigyan ng kaukulang proteksiyon ang mga bata. “Tungkulin iyan ng magulang,” ayon sa pangulo. Tama o mali?
ANG REPUBLIC ACT 11215
Malaking tulong ito! Alam ba ninyo kung magkano ang radiation o chemo? Halos daang-libo para makompleto ang sessions! Hindi naman ho ito maililibre dati dahil binibili ang mga gamot na ginagamit dito. Mabuti pa ang operasyon at mapag-uusapang ilibre ang serbisyo ng mga matulunging doktor. Ganitong mga batas ang kailangan ng bansa. Hindi yung…
Nitong February 14th, Valentine’s day, bilang regalo mula sa puso, ay nilagdaan ng pangulo ang National Integrated Cancer Control Act, which is a measure that aims to improve cancer survivorship among Filipinos. Cancer is the 3rd leading cause of adult death and 4th in child mortality. The DOH estimates that there are up to 8 deaths per day for childhood cancer and up to 7 deaths every hour for adult cancer in the Philippines. There are approximately 110,000 new cancer cases and over 66,000 cancer deaths each year. Ang dami at sobrang paghihirap sa ating mga kababayan nu’n!
ANG LAYUNIN NG R.A. 11215
Finally our government is taking action! Why did it take so long? Bakit ngayon lang? The program aims to reduce the overall deaths of all adult and childhood cancer, lessen incidence of preventable cancer, and prevent cancer recurrence, metastasis, and sec-ondary cancer among survivors.
Dapat na nating isulong ang tamang kaalaman on a national level.
Honestly, lalo na sa mga probinsiya, despite the fact na may wifi at smart phones naman sila, ay marami pa ring maling panini-wala. Kailan lang ay nagpa-bible study ako sa Castilla, Sorsogon sa chapel na ipinagawa ng aking lolo. Tuwang-tuwa ang maraming bata. Minsan dumating ang ‘hermana’ na may kasamang representative ng kura-paroko. “Bawal ho magturo sa mga bata ng bibliya dito.” “Bakit?” madiing tanong ko sa telepono. “Hindi daw ho iyan sa K..ko.Saka dati, may dalawa ho kasing namatay dahil sa bible study,” turan ng kausap ko. OMG!
ANG NATIONAL INTEGRATED CANCER CONTROL
The council seeks to provide timely access to optimal cancer treatment and care for all patients and make cancer treatment and care more affordable and accessible. It also mandates the creation of the Philippine Cancer Center, which shall promote and encour-age cancer research, provide training to medical professionals, and assist universities, hospitals, and research institutions on cancer research.
“The awareness campaign must increase cancer literacy and understanding of risk factors associated with cancer, dispel myths and misconceptions about cancer, and reduce the anxiety, fear, distress, and uncertainty related to cancer,” the law reads.
Panahon na para magising tayo sa tama. Hindi porke’t tradisyon ay naaayon. Panahon na naman ng eleksiyon kaya sangkatutak na posters at pangako ang nagkalat sa lahat ng uri ng media.
Hindi pa ba tayo sawa sa kampanya? Asikasuhin na lang natin ang sari-sariling buhay. At kung maaari ay makatulong sa kapwa. Hindi iyong nagbabanal-banalan!
*Quotes
“Whoever spares the rod hates their children, but the one who loves their children is careful to discipline them.”
– Proverbs 13:24
oOo
Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear readers!
Comments are closed.