SINIMULAN na ng Alas Pilipinas ang kanilang two-week training camp para sa Southeast Asian V-League noong Miyerkoles sa Osaka, Japan. PVL PHOTO
HINDI nakasama sa training camp ng Alas Pilipinas Women sa Japan si De La Salle University star player Angel Canino dahil sa school commitments.
Ang national team ay dumating sa Japan noong Miyerkoles upang simulan ang kanilang two-week training camp para sa Southeast Asian Volleyball League (SEA V.League) sa susunod na buwan.
Labintatlo mula sa PVL ang nasa pool, sa pangunguna nina Jia Morado-De Guzman ng Creamline at Dawn Macandili-Catindig ng Cignal.
Bahagi rin ng pool sina Creamline’s Jema Galanza, Choco Mucho’s Sisi Rondina at Cherry Nunag, Akari’s Faith Nisperos at Fifi Sharma, Chery Tiggo’s Eya Laure at Jen Nierva, Cignal’s Vanie Gandler, PLDT’s Dell Palomata; Zus Coffee’s Thea Gagate, at Galeries’ Julia Coronel.
Kasama rin sa training camp sina Bella Belen, Alyssa Solomon, at Arah Panique ng National University, gayundin sina Central Washington University standouts Tia Andaya at Hannah Stires.
Nakopo ng Alas Pilipinas ang makasaysayang bronze medal sa AVC Challenge Cup noong nakaraang Mayo, habang maaga itong nasibak sa FIVB Challenger Cup kamakailan.