CANNED MEAT MULA SA ASF-AFFECTED NA BANSA NAKUMPISKA NG ZAMBO TASK FORCE

CANNED MEAT-2

NAGSAGAWA ang Zamboanga City government, kasama ang Food and Drug Administration (FDA) ng “strike inspec-tions” para masiguro na ang ban laban sa processed pork products mula sa mga bansang apektado ng African Swine Fever (ASF) virus ay ipinatutupad dito.

Ito ay matapos na magtipon ang city government kamakailan at italaga ang  Task Force “Karne” at maging aktibong muli para maipatupad ang strike operations kasama ang FDA at masiguro na ang national ban sa importasyon, distribusyon, at pagbebenta ng lahat ng processed pork products mula sa mga bansang apektado ng ASF virus ay ipinatutupad sa siyudad.

Ang task force ay kinabibilangan ng Office of the City Veterinarian (OCVet), ang National Meat Inspection Service (NMIS), Task Force Ordinance, the Licenses and Business Permits Division of the City Mayor’s Office, ilan sa mga ito.

Sinabi ni Dr. Mario Arriola, OCVet chief, kamakailan na nakakumpiska sila ng 91 de lata ng pork luncheon meat mula sa Chi-na.

Sa total nito, sinabi ni Arriola na 55 de lata ay nakumpiska sa apat na stalls sa Sta. Cruz Commercial Complex, dalawa mula sa stall sa Zamboanga City Main Public Market, at 34 de lata mula sa apat na tindahan sa  city’s west coast, lalo na sa barangays Ayala at Labuan.

“These were inventoried, sealed and placed under FDA custody,” dagdag pa niya.

Matatandaang nag-isyu ang Department of Agriculture (DA), kasama ang FDA, ng ban laban sa mga bansang apektado ng ASF.

Ito ay ang Russia, Ukraine, Czech Republic, Moldova, South Africa, Zambia, Hungary, Bulgaria, Belgium, Latvia, Polan, Ro-mania, China, Mongolia, Vietnam, Cambodia, Hong Kong, at North Korea.

Ayon sa World Organization for Animal Health, ang ASF ay isang highly contagious hemorrhagic disease ng baboy, warthogs, European wild boar, at American wild pigs.

Ang virus ay naililipat sa pamamagitan ng direct contact, ingestion ng  garbage/swill feeds na naglala-man ng unprocessed infected pig meat o pig meat products, ticks, at biting flies, at nahawang kapa-ligiran, sasakyan, gamit at mga kasuotan.  PNA

Comments are closed.