CANONICAL CORONATION NG IMAHE NG MARY HELP OF CHRISTIANS, APRUBADO  NI POPE FRANCIS

Archbishop Socrates Villegas

INIANUNSYO ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang ginawang pag-apruba ni Pope Francis sa canonical coronation ng imahe ng Mary Help of Christians sa Pangasinan.

Ayon kay Villegas, da­ting pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang liturgical rites sa pagkokorona sa naturang venerated image ay idaraos sa Cathedral of Saint John the Evangelist sa Dagupan City sa Agosto 22, sa pangunguna ni Papal Nuncio Archbishop Ga-briele Caccia.

Nabatid na ang natu­rang imahe, na matatagpuan sa chapel ng Mary Help of Christians High School Seminary sa bayan ng Binmaley, ay regalo ni dating Apostolic Delegate Archbishop Guglielmo Piani kay Bishop Cesar Maria Guerrero, na unang Obispo ng Lingayen.

Ikinatuwa naman ni Villegas ang desisyon ng Santo Papa, na inisyu sa pamamagitan ng Congregation for Divine Worship at ng Discipline of the Sacraments, dahil pagkilala ito sa debosyon ng mga tao sa venerated image.

Nanawagan pa siya sa mga mananampalataya na ikonsidera ang naturang pagpapala bilang isang hamon na higit pang mahalin ang Panginoon.

“This is a clear message of affirmation from the Holy Father that this image of the Mother of God with the Child Jesus has contributed to the growth of the Catholic faith in Pangasinan for the past ninety years,” ani Villegas.  “I call on you our brothers and sisters to consider this blessing as a challenge to love the Lord even more and seek ways to grow in holiness.”

Ang canonical coronation ay isang pious institutional act, kung saan ang Santo Papa, sa pamamagitan ng isang bull o opisyal na liham,  ay mag-tatalaga ng korona o stellar halo sa isang Marian image sa ilalim ng ispesipikong debosyonal na titulo sa isang partikular na diyosesis.

Nabatid na ang pagkokorona sa imahe ng Mary Help of Christians ang ikalawang koronasyon na magaganap sa arkdiyosesis matapos ang 92-taon, kung saan ang unang imahe na kinoronahan ay ang Our Lady of the Rosary of Manaoag.       ANA ROSARIO HERNANDEZ

4 thoughts on “CANONICAL CORONATION NG IMAHE NG MARY HELP OF CHRISTIANS, APRUBADO  NI POPE FRANCIS”

Comments are closed.