(Car bomb sa Somalia; plane crash sa Kazakhstan) WALANG PINOY NA NADAMAY

Plane Crash

DALAWANG trahedya ang naitala sa labas ng bansa kung saan mayroong overseas Filipino workers, subalit tiniyak na wala namang Pinoy ang nabiktima.

Noong Sabado ay naganap ang massive car bomb sa Mogadishu, Somalia na ikinasawi ng dose-dosena katao, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Kinondena naman ng awtoridad ang insidente sa Somalia na lagi nang inaatake ng umano’y Al-Shabaab Islamist militants na kaalyansa ng AlQaeda.

“The Philippines has long been (at) the forefront of the fight against terrorism and extreme violence and supports international efforts to eradicate them,” ayon sa statement ng DFA.

Sa datos, simula 2015 ay naitala na ang malalaking pag-atake na umabot sa 13 kung saan mahigit sa 20 katao ang nasawi, 11 rito ay sa Mogadishu.

“All of them involved car bomb,” ayon sa statement.

Tiniyak naman ng DFA na walang Filipino ang nabiktima habang patuloy na pinaalalahanan na maging ma­ingat kapag lalabas.

Samantala, wala ring Pinoy na nabiktima nang bumagsak ang isang commercial plane sa Kazakhstan, ayon sa Philippine Embassy sa Russia.

Sa nasabing insidente, 14 katao ang nasawi nang bumagsak ang Bek Air Flight Number Z92100, na may lulang 100 passengers.

Sinabi ni Philippine Ambassador to the Russian Federation Carlos “King” Sorreta na mismong ang Ministry of Interior of Kazakhstan ang nagkumpirma na wala namang Filipino na lulan ng nasabing eroplano

“We would like to express our deepest sympathies and prayers to the families and friends of those who lost their lives and our hopes for the quick recovery of those injured,” ayon pa kay Sorreta. EUNICE C.

Comments are closed.