CAR CRIME AT KUNG PAANO ITO MAIIWASAN

patnubay ng driver

GOOD day mga kapasada!
Mahalagang paksa ang ating tatalakayin sa isyung ito. Unawaing mabuti upang maligtas ang inyong sasakyan sa tinatawag na car crime.
Ano ba ang kahulugan ng car crime? Sa kuwetong barbero, ang car crime ay karaniwang nangyayari ngayon saan mang pook na may pagkakataon ang mga kawatan na makagawa ng isang krimen na may kinalaman sa kung papaano maaagaw ang inyong minamanehong sasakyan.
Sakop nito ang pagnanakaw ng sasakyan, attempted o consummated, (pagtatangka o naisakatuparan) idagdag pa rito ang tinatawag na vandalism o bandalismo.
Halimbawa ng krimeng ito ay ang salaysay ng gasoline boy sa isang gasoline station sa South Manila.
Aniya, sandaling ipinarada ng driver ang minamanehong delivery van sa isang bahagi ng gasoline sta-tions upang tumugon sa tawag ng pangangailangan.
Ang tanging pagkalingat ng driver ay iniwang umaandar ang ipinaradang sasakyan saka pumasok sa palikuran ng gasoline stations to answer the call of nature.
Laking gulat ng driver nang wala na sa kanyang pinaradahan ang kanyang minamanehong delivery van.
Gayundin ang karanasang naganap kay Gerry Fernandez ng San Antonio Subdivision.
Ayon sa salaysay ni Gerry, sandaling inihinto niya ang kanyang minamanehong delivery truck ng yelo sa tapat ng isang convenient store sa kahabaan ng Evacom para bumili ng sigarilyo.
Ilang hakbang lamang umano ang layo niya sa iniwang delivery van.
Habang siya ay papalabas sa naturang convenient store, bigla na lamang humarurot ang kanyang sasa-kyan na tangay na ng kawatan.
Sa tulong ng opera­tiba ng police, natagpuan ang sasakyan makaraan ang dalawang araw sa isang squatter area sa pook.
Nadiskubre ni Gerry na naatado na ang makina ng kanyang minamanehong delivery van.
Sa dalawang halim­bawa nang naganap na pangyayari, payo ng pulis:
1. huwag na huwag mag-iiwan ng susi sa loob ng sasakyan.
2. huwag iiwanan ang inyong driver’s license sa loob ng sasak­yan kung kayo ay lalabas dito at may bibilhin para makatiyak ng kaligtasan sa ganitong nagaganap sa kapaligiran.
3. iwasang iwanan na umaandar ang sasakyan kahit sandali lamang kung tutugon sa pangangailangang pangkalusugan tulad ng:
a. pagbili ng anumang pantawid-gutom
b. pagtugon sa tawag ng pangangailangan
b. huwag mag-iiwan ng ekstrang susi sa loob ng sasakyan.
d. siguraduhin na ang lahat ng pinto at bintana ay saradong lahat bago tumugon sa tawag ng pangan-gailangan.

PAYO NG ALAGAD NG BATAS

Bilang karagdagan sa mga nabanggit, sundin ang payo ng mga alagad ng batas upang makaiwas sa kara-niwang modus tulad ng:
1. Tiyaking naka-lock ang mga pinto at sarado ang bintana ng sasakyan kung ito ay iiwan, madalian man o matagalan.
2. Tiyakin na walang anumang gamit sa loob ng sasakyan na magsisilbing tukso sa mga magnanakaw upang mag-break-in.
3. Ilagay ang lahat ng gamit na pang-agaw ng atensiyon sa mga kawatan sa trunk ng sasakyan.
4. Iwasang mag-iwan ng anumang mahahalagang dokumento tulad ng: driver’s license at OR at Official Car Registration.
5. Pumarada sa lugar na may sapat na liwanag at daanan ng tao at
6. Maglagay ng steering club lock.

ANG ENGINE PERFORMANCE NG SASAKYAN

Talakayin naman natin mga kapasada ang Engine Performance ng ating minamanehong sasakyan.
Bilang professional license holder, kasama sa trabaho bilang driver ang performance ng sasakyan, o kung paano nga ba nagtatrabaho ang ating makina?
Bilang professional driver, may katwiran kang malaman kung maganda ba o hindi up-to-par ang per-formance nito?
Paano natin malalaman na ang ating mga sasakyan ay nakapagli­lingkod sa atin ng ma­ayos (above-par), ika nga.
Bagama’t sa makabagong panahon ng computer system na ang bawat sasakyan ay nag-o-operate sa pamamagitan ng computer, hindi ibig ipakahulugan nito na wala na tayong dapat pang gawin.
Hindi gayon, mga kapasada. Tayo pa rin, bilang may-ari ang may kakayahan upang mapa­natili ang ma-ganda at mahabang buhay ng ­ating sasakyan.
Ano nga ba ang dapat nating gawin? Ayon sa maintenance mechanic ng isang service stations na nakapanayam ng Aklat Patnubay ng Drayber, unang-una, si­yempre ang tamang maintenance nito.
Magiging reference aniya sa proper maintenance ang isinasaad ng ating maintenance book o ang tina-tawag na maintenance book o user manual kung mayroon kayo nito, kung wala naman, sumangguni sa mga expert mechanic ng mga service station provider.
Binanggit ng expert mechanic na lubhang napakahalaga na malaman ng isang car owner kung kailan ba dapat palitan ang langis ng ating sasakyan. Kasama rito ang pagpapalit ng :
a. transmission fluid
b. coolant
c. power steering fluid at
d. deferential fluid at brake fluid.
Ayon sa expert mechanic, ang brake fluid ay kasama sa dapat ninyong palitan. Ang maintenance na ito ay may malaking partisipasyon sa magandang performance ng makina.
Bilang kabuuan, binigyang diin ng expert mechanic na ang bumubuo ng paggana ng makina, mapagan-da o pangit man – mechanical, electrical, fuel at emission ay kailangang bigyan ng pansin ng:

1. MECHANICAL – ang lahat ng bagay na gumagalaw at bumubuo sa ating makina ay ang mechanical tulad ng:
a. piston
b. balbula
c. segunyal at iba pa na siyang nagpapagalaw upang umandar ang ating makina.

2. ELECTRICAL – ano naman ang papel na ginagampanan ng electrical. Paano naman ito aandar?
Nilinaw ng expert mechanic na sa pagpapaandar ng engine, diyan naman papasok ang electrical na siya namang sumusunog sa gasoline tulad ng ignition wire o spark plug wire na siyang dinadaluyan ng koryente galing sa coil patungo sa spark plug.
a. spark plug – siya ang sumusunog sa gasoline sa loob ng engine.
b. ignition wire o spark plug wire – ito ang dinadaluyan ng koryente galing sa coil patungo sa spark plugs.
c. ignation coil – ito naman ang lumilikha ng high voltage patawid ng wire at papunta sa spark plug (buhiya).
Binigyang diin ng expert mechanic na lubhang napakahalaga na ang tatlong ito ay nasa maayos na kon-disyon upang masunog nang maayos ang gasoline sa loob ng makina.
Kapag hindi pinalitan ang spark plug sa tamang panahon, ang magiging end result nito ay nagkakaroon ng over fatigue ang coil at makalilikha ng sapat na boltahe patungo sa spark plugs.
Ang magiging resulta kung gayon ay pagkasira ng ignition coil o mga coil-on plugs.

3. FUEL – natural, kung walang gasoline, walang susunugin at hindi magagamit ang sasakyan.
Ano-ano ang mga bagay na kaakibat nito:?
a. Pump – lubhang mahalaga ang papel na ginagampanan ng pump na may tamang lakas (force) upang itulak ang gasoline mula sa tangke papuntang linya dadaan sa filter papunta sa regulator ng pressure at papunta sa injector o carburetor papasok ng makina.
Siguraduhin na malinis at walang bara ang fuel injector upang ma­ging maganda ang performance nito.
Gumamit ng injector cleaner na naaayon sa tinatadhana sa car manual upang maging mabuti ang per-formance ng engine.

KAUNTING KA­ALAMAN – Avoiding a “passing” accident. – Many drivers resent being passed is a nor-mal part of driving and it should not be taken as an insult to one’s ability. However, there are dangers in being passed, such as being sideswiped, out of, or forced to run of the road. And how can a driver avoid these dangers of being passed. When being passed, always slow down and make it easy for the other vehicle to pass. Source – sec. 40 of art. II CHAPTER IV of the new land transportation and traffic code.
LAGING TATANDAAN: umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING!

Comments are closed.