SA pagdiriwang ng Cordillera Day, nanindigan ang pamunuan at ang buong miyembro ng Cordillera Bodong Aministration-Cordillera People’s Liberation Army (CBA-CPLA) na kanilang ipaglalaban na maging autonomous ang Cordillera Administrative Region (CAR).
Nanawagan si Juanita Chulsi Vice President ng CBA-CPLA, na noon pang 1986 pa nang umano’y simulang ipanawagan ng kanilang grupo na maging autonomous ang Cordillera Administraive Region (CAR) pero hanggang sa ngayon ay wala pang nangyayari.
Muling nanawagan ang mga naturang grupo na sana ay pakinggan ang kanilang panawagan at gawin itong urgent na ayon pa kay Chulsi, kung saan ang CAR sa Mindanao na una nang ginawang autonomous gayong mas tahimik at payapa naman ang CAR sa kanilang lugar kung ikukumpara at pag-uusapan ang kapayapaan.
Samantala, sinabi pa ni Chulsi na marami sa kanilang mga miembro ang nakahandang ipaglaban ang kanilang karapatan para sa otonomiya ng boong CAR.
Kasabay nang pagdiriwang noong isang araw ng Cordillera Day ay nagpulong ang kanilang grupo sa iba’t ibang probinsiya upang pag-usapan ang mga hakbangin upang igiit sa ating pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang matagal nang kahilingan. IRENE V. GONZALES
767928 443496Wow ~ Very good stuff ~ Come and check out MY ?? 202416