CAR ISINAILALIM SA GCQ

BAGUIO CITY- MULING isasailalim ang Cordillera Administrative Region (CAR) sa general community quarantine (GCQ) mula Pebrero 1 hanggang 15.

Ito ang kinumpirma ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong kasabay ng paghihigpit na rin sa ipapatupad na stricter border control sa pagitan ng Benguet at Mountain Province sa loob ng naturang GCQ status.

Ani Magalong, nangangahulugan na lahat ng mga traveler na gustong makapasok ng Benguet at Mountain Province ay kailangang magpresenta ng medical clearance sa mga awtoridad at tanging essential travel lang ang papayagan.

Nabatid na umabot na 12 ang kaso ng UK coronavirus variant na na-detect sa Bontoc habang nauna nang kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang local transmission ng bagong variant sa naturang lugar.

Comments are closed.