CAR MAINTENANCE TIPS NGAYONG SUMMER

patnubay ng driver

GOOD DAY mga kapasada!

Mahalagang paksa ang tatalakayin natin sa isyung ito. Dahil summer na, kaila­ngang malaman natin kung paano ang tamang pag-aalaga ng sasakyan.

Obligasyon ng isang driver na magsagawa ng pagti-tsek sa bawat bahagi ng sasakyan upang makatiyak na nasa mabuting kondisyon ito.

Narito ang ilang car maintenance tips ngayong summer:

IWASAN ANG OVERHEATING

Kapag ganito kainit ang panahon, puwedeng mag-overheat ang sasakyan lalo na kung hindi ito naaalagaang mabuti.

Para maiwasan ang overheating, regular na tsekin ang coolant at radiator ng sasakyan. Sa ganitong pa­raan ay makatitiyak ang car owner na may sapat itong coolant at tubig.

PANATILIHING MALINIS AT MAAYOS ANG BATTERY

Ang sobrang init ay maaaring magpa-speed up ng chemical reaction sa loob ng battery na puwedeng maging dahilan upang umikli ang lifespan nito.

Nagiging dahilan din ito upang masira ang battery sa pamamagitan ng evaporating internal fluid.

At para maiwasan ang mga ganitong problema, makabubuti kung pananatilihing malinis ang battery.

BIGYANG-PANSIN ANG ENGINE OIL

Lubhang mahalaga ang engine oil sa makina ng sasakyan.  Ito ang susi ng long life ng makina.

Kaya huwag kaliligtaang tsekin ang oil level every now and then.

Ang oil ay nagsisilbi ring coolant dahil sa ito ay nagpapalamig ng engine sa pamamagitan ng pag-absorb ng init mula sa ilang bahagi ng makina.

Kailangang palitan ang engine oil ayon sa nakasaad sa Manufacturer’s manual sa dahilang nawawala ang effectiveness ng  carbon or metal particles as well as the velocity are decrease.

Kung hindi mapapalitan ang oil on a certain period, ang wear and tear ay mada­ling mada-damage ng corrosion at kasabay nito, mag-overheat ang makina.

Karaniwang pinapalitan ang engine oil kada 5000 km na natakbo o kaya ay kada tatlong (3) buwan depende sa limit ng driving condition. Sever driving means driving on dusty areas, repeated short distance driving o kaya ay paghila ng trailer o extensive idling ng makina.

FLUIDS

Tingnan ang ilalim ng makina sa umaga bago paandarin ang makina. Malasin kung mayroong mga unusual na tagas na nakamarka sa garahe.  Kung walang tagas na makita, tsiken ang fluid level.

Tiyakin na may sapat na coolant ang radiator gayundin tiyakin na walang tagas ito.

Kasabay nito, tsikin din ang coolant reservoir. Ang recommended coolant mixture ay 40% – 50%, gayunman, sa panahon ng tag-init (summer) gumamit ng 30% coolant mixture ratio.

Kung malimit gamitin ang sasakyan, makabubuti na palitan ng malimit kaysa dati upang mapapanatili ang cool temperature ng makina at maiwasan ang pagkakaroon ng overheating.

Tsikin din ang level ng brake fluid. Sa fluid reservoir, mayroon doong indication ng minimum at maximum range, kaila­ngang nasa gayong range ang fluid level.

Gayundin, mahalaga ang pagpapalit ng brake fluid dahil sa ito ay nade-deteriorate ng pawis  in air mixing ng brake fluid sa hose o reservoir tank cap, gayundin ng oxidation na likha ng friction sa loob ng cylinder.

Tsikin din ang electrolyte ng level ng battery sa pamamagitan ng pag-aalis ng filter cap. Tiyaking ang battery fluid ay sagad sa battery plates. Kung kinakaila­ngan, dagdagan ng distilled water hanggang sa umapaw  sa ibabaw ng battery plates.

Gayundin, malasin ang battery connection sa terminals at tiyakin na mahigpit ang cable at terminal.

SIGURADUHING MAAYOS ANG MGA GULONG

Prone rin sa inflation at external damage ang gulong kapag mainit ang paligid. kaya para maiwasang magkaproblema sa gitna ng paglalakbay, itsek ang mga gulong bago bumiyahe.

Suriing mabuti ang gulong bago gamitin ang sasakyan lalo na ngayong mainit ang panahon. Kung may makitang crack, bukol o sira bigyan ito ng lunas, either palitan upang maging ligtas ang paglalakbay. Kailangang nasa wastong presyon ang gulong.

HUWAG KALILIGTAANG I-CHECK ANG AC

Siguraduhin ding ma­ayos ang air conditioner ng inyong sasakyan lalo na ngayong mainit ang panahon. Kung sira nga naman ito at na-stuck ka sa traffic, maaaring uminit ang ulo mo.

Para maiwasan ang ganitong scenario, i-check ang air conditioning unit ng inyong sasakyan bago bumiyahe o bago ito gamitin.

SIGURADUHING KOMPLETO ANG TOOLS

Huwag kaliligtaan na tsikin kung may dalang mechanical tools in case na may ‘di inaasahang problema sa biyahe.

IPARADA SA MALILIM ANG SASAKYAN

Kung ipaparada rin ang sasakyan, piliin ang lugar na malilim o hindi mainit. kapag na-expose kasi ang dashboard sa init ay maaari itong ma-discolor at deteriorate ang surface. maaari rin nitong maapektuhan ang steering wheel.

REGULAR NA LINISIN ANG SASAKYAN

Panghuling tips ay ang regular na paglilinis ng mga sasakyan. Hindi lamang din labas ng sasakyan ang kaila­ngang linisin kundi maging ang loob nito—gaya na lang ng mga upuan.

Siguraduhing wala itong amoy nang maging kampante kayo sa pagbiyahe. (Images source: cedarspringspost.com, er.dom, smythautomotive.wordpress.com at pristineauto.com)

LAGING TATAN­DAAN: UMIWAS sa aksidente upang buhay ay bumuti.

HAPPY MOTORING!