MAPADADALI na ngayon ang pagpaparehistro ng mga bagong sasakyan dahil magiging online na ang transaksiyon.
Ayon sa Land Transportation Office, gagawin nang online ang pagbabayad para sa car registration ng mga bagong sasakyan sa National Capital Region (NCR).
Layunin nito na mapabilis ang produksiyon ng license plates para sa mga bagong rehistrong sasakyan at maiwasan ang mga fixer.
Sakop ng naturang bagong sistema ang mga bagong sasakyan, ngunit umaasa ang ahensiya na sa kalaunan ay isasama na rin ang renewal ng lisensiya at registration ng mga lumang sasakyan.
Muling nagpaalala ang LTO na hindi na kailangang lumapit sa mga fixer para sa proseso dahil kahit sa kanilang mga tahanan ay maaari nang magbayad ng transaksiyon para sa new registration.
Dalawa hanggang tatlong araw lang ang hihintayin ay may plaka na ang isang bagong labas na sasakyan. NENET VILLAFANIA
Comments are closed.