CAR SEAT LAW PINATIGIL NI DUTERTE

IPINATIGIL ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad Car Seat Law o Republic Act 11229.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang naturang hakbang ng Pangulo ay para kahit papaano’y maibsan ang iniisip ng publiko sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Nagdesisyon na po ang ating Presidente, ipinagpaliban po or deferred ang pagpapatupad o implementasyon ng child car seats,” ayon kay Roque.

Nakasaad sa Child Safety in Motor Vehicles Act na kinakailangang gumamit ang mga bata na nag-eedad ng 12 anyos pababa at may 4’11 na taas pababa na gumamit ng car seat.

Ayon kay Roque, sinuspinde rin ng Pangulo ang mandatory Motor Vehicle Inspection System.

Bukod sa pagpapaliban sa child car seat law, sinabi rin ni Roque na hindi na mandatory o hindi na inoobliga ng pamahalaan na sumailalim ang mga sasakyan sa MVIS.

“Samantala hindi na po mandatory ang MVIS. Ibig sabihin, kinakailangan walang bagong singil, walang karagdagang singil para sa pagpaparehistro ng mga sasakyan,” dagdag ni Roque.

Paliwanag pa ni Roque, binabalanse ng Pangulo ang pinagdadaanan ng ating mga kababayan sa gitna ng krisis na nararanasan hindi lang ng Filipinas kundi ng buong mundo. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.