Caracol 2024, pagsasadula ng muling pagkabuhay ni Jesus

Photos by Prescy Bautista & Cory Sajona Santos

Kumpirmadong batay sa doktrina ng Kristyanismo, ang Diyos ay nagkatawang tao. Isinilang si Jesus ng isang tao ngunit ang kanyang ama ay Diyos, kaya siya ay tao at Diyos.

Alam din ng lahat na si Jesus ay ipinako at namatay sa krus, ngunit matapos ang tatlong araw ay nabuhay na muli, umakyat sa langit matapos ang 40 araw at naluklok sa kanan ng Ama upang maghukom sa wakas ng panahon.

Matapos mabuhay muli, nanawagan si Jesus sa mga apostoles upang ipagpatuloy ang kanyang nasimulan, tulad ng sinasabi sa Matthew 28:16–20, Mark 16:14–18, Luke 24:44–49, Acts 1:4–8, at John 20:19–23, kung saan nakatanggap ng pabawagan ang mga apostoles “to let the world know the good news of a victorious Saviour and the very presence of God.”

Taon-taon, tuwing Easter Sunday, isinasabuhay ang Resurrection of Christ sa Seabreeze Rendesvouz Resort, Matabungkay Beach, Lian, Batangas sa pangunguna ni Nenette Lejano ng grupong Divine Mercy Karakol. Hindi ito ang karaniwang “Salubong” kung saan isinasabuhay naman ang muling pagkabuhay ni Kristo, kundi ang panawagan sa mga apostoles na ipagpatuloy ang pangangaral kahit wala siya. Ang konseptong ito ay tumutugma sa ‘higher reincarnation’ kung saan ang lahat ng namatay ay muling mabubuhay upang hatulan kung sa langit ba o sa impiyerno mapupunta.

Kung hindi namatay si Jesus sa Krus upang tubusin ang ating mga kasalanan, at muling nabuhay upang ipakityang nagtagumpay tayo laban sa kamatayan, walang second coming o huling paghuhukom. Gusto ring ipaalam sa reenactment na ito na dapat ay samahan natin si Jesus sa kanyang paghihirap – meaning, pagbabago ng mga priorities sa buhay. Ito ang pagtalikod sa mga makasariling nasa kahit mahirap para sa atin. Walang silbing ikinumpisal natin sa pari ang ating mga kasalanan kung hindi natin ito itutuwid

Walang kabuluhan ang muling pagkabuhay kung walang pagbabago at ayaw nating umalis sa kadiliman. Hindi ito magic na instantly ay masasalba tayo kahit walang kooperasyon sa Diyos.

Para sa mga Kristiyano, mahalaga ang maniwala, dahil kung minsan, kailangan lamang nating maniwala upang maganap ang pagbabago.

Sa isang taon, Easter Sunday, muling isasagawa ang panawagan ni Jesus na ikalat ang kanyang aral. Muli ring sasayaw ang mga miyembro ng Divine Mercy Karakol upang suportahan ang panawagang ito. NLVN