INILUNSAD ang Caraga Fabrication Laboratory na nasa loob ng Caraga State University kamakailan. Ito ngayon ay bukas para magsilbi sa publiko lalo na ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs).
Pinondohan ng DTI Shared Service Facility (SSF) program na nagkakahalaga ng P12 million, ang Caraga’s Fabrication Laboratory ay isang small-scale workshop na naghahandog ng digital fabrication, generally equipped with flexible computer controlled tools. Ang laboratoryong ito ay nakatakda para suportahan at isagawa ang creative ideas para maging prototype at mass production.
Inaasahan ang Industry Clusters sa rehiyon na magbebenipisyo sa laboratoryong ito tulad ng: Gifts, Decors and Housewares, Processed Food, Wood, Creative, ICT, Metal, Ceramics and Furniture. Kasama ang mga estudyante ng CSU na nasa linya ng Engineering, Information Technology, Agricultural Sciences and Natural Resources, Arts and Sciences na magiging primary users ng pasilidad.
Binigyang-diin ni DTI Regional Director, Brielgo O. Pagaran ang importansiya ng FABLAB sa lokal na ekonomiya ng Caraga. Sa kanyang mensahe noong paglulunsad, sinabi niya na karamihan sa mga imbensiyon sa Caraga ay wala sa merkado dahil sa kakulangan ng “state of the art” ng pasilidad para makapag-prodyus ng maraming prototype. Sa ilalim ng pamamahala ng Caraga State University, ang laboratoryong ito ay makatutugon sa maraming puwang sa industriya.
Para maka-avail sa serbisyo ng FABLAB, bisitahin ang Caraga State University o sa Facebook Page @fablabcaraga.
Comments are closed.