CAGAYAN – MAHIGIT 100 sasakyan mula sa siyam na School Division Office sa region 2 patungong Rebecca National High School sa bayan ng Gonzaga ang lumahok sa caravan para sa Regional Brigada Eskuwela 2018, na ang naging panauhin ay si Under Sec. Victoria Catibog, na tubong Ecahgue, Isabela.
Ayon kay G. Ferdinand Narciso, Project Devt. Office 4 AT Information Officer ng DepEd Region 2, na ang kanilang Caravan ay masayang sinalubong ng mga batang mag-aaral at mga magulang sa gilid ng daan na hindi alintana ang init ng panahon, na masayang iniwawagayway ang bandila ng ating bansa at mga lobo na may mga nakasulat na Brigada Eskuwela 2018.
Sinabi ni G. Narciso na sorpresa ang pagdalaw ni Undersecteraty Catibog sa mga nadaanang paaralan sa kanyang pagtungo sa Sta. Ana, Cagayan, at nakita na handang-handa ang mga pasilidad at resources tulad ng mga upuan at mesa sa mga silid-aralan at maging sa mga opisina sa mga paaralan.
Marami aniyang nakikipagtulungan sa Oplan Balik Eskuwela na nag-umpisa noong ikadalawampu’t isa ng Mayo at mag-tatapos sa ikawalo ng Hunyo.
Nagkaroon ng consultative meeting ang mga opisyal ng DepEd sa mga opisyal ng DPWH para sa pagpapagawa sa mga school building sa ilang bayan sa Region 2. IRENE GONZALES
Comments are closed.