NAINSTALA nang bagong Arsobispo ng Maynila ang 69-anyos na si Jose Cardinal Fuerte Advincula, Jr. kasabay ng paggunita ng ika-450 founding anniversary ng Maynila araw ng Huwebes, Hunyo 24 at Kapistahan ng San Juan Bautista.
Dakong alas-8:00 ng umaga nang salubungin ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama si Intramuros Administrator head Guiller Asido sa Postigo Gate.
Dakong alas-8:30 nagkaroon ng seremonya o civic ceremony sa Ayuntamiento at pagkatapos ay nagkaroon ng maikling prusisyon sa Manila Cathedral kasama sina Apostolic administrator Bishop Broderick Pabillo, Domagoso, Asido at mga kinatawan ng Knights of Columbus, Equestrian Order ng Jerusalem at ang Order of Malta.
Pagkatapos ng seremonya ay naglakad si Cardinal Advincula kasama ng ilang mga pangunahing bisita patungong Minor Basilica of the Immaculate Concepcion o Manila Cathedral kung saan sandaling lumuhod at nag-alay ng taimtim na panalangin bago naglakad patungong altar.
Alas-9:00 ng umaga ay ginanap ang instalasyon sa naturang simbahan na dinaluhan ng mga Obispo at kaparian, mga opisyal ng gobyerno, at mga malalapit na kaibigan at pamilya nito.
Hinirang si Cardinal Advincula ng Santo Papa bilang kapalit ni Cardinal Luis Antonio Tagle na ngayon ay nagsisilbi bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples.
Si Cardinal Advincula ay unang nagsilbi bilang Arsobispo ng Capiz simula noong 2011 at naging Cardinal mula Nobyembre 2020.
Have you ever thought about writing an e-book or guest authoring on other
websites? I have a blog based on the same information you discuss and would love to have you share some stories/information. I know my visitors would enjoy your work.
If you are even remotely interested, feel free to send me
an email.
197690 264951good post. Neer knew this, thankyou for letting me know. 664748