CARDINAL TAGLE NAHAWA NG COVID SA EROPLANO

Tagle

HINALA ng isang mataas na opisyal ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na posibleng sa eroplano o sa paliparan nahawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Cardinal Luis Antonio Tagle.

Ayon kay acting CBCP President Pablo David, negatibo naman sa virus si Tagle sa swab test na isinagawa sa kanya sa Roma, Italya noong Setyembre 7, bago ito bumiyahe pauwi ng Filipinas.

Aniya pa, hindi rin maiwasan ni Tagle ang makihalubilo sa mga tao dahil sa pagiging mataas nitong opisyal sa Vatican.

Nabatid na umuwi sa Filipinas si Tagle para dalawin ang kanyang mga magulang sa Imus, Cavite.

Gayunman,  hindi pa niya ito magagawa sa ngayon dahil kinakailangan pa niyang magpagaling at sumailalim  sa 14 na araw na mandatory quarantine period.

Sa ngayon ay maayos naman ang lagay ni Tagle at asymptomatic naman ito o walang nararamdaman na sintomas ng COVID-19 sa katawan.

Patuloy pa ring humihingi ng panalangin sa publiko ang CBCP para sa agarang paggaling ni Tagle mula sa CO­VID-19.  ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.