CARDINAL TAGLE, NANAWAGAN NG PANALANGIN PARA SA MGA PILIPINONG NASAWI SA BAGYONG ODETTE

NANAWAGAN sa publiko si Luis Antonio Cardinal Tagle na ipagdasal ang mga Plipinong lubhang nasalanta ng bagyong Odette kasabay ng pagbabalik ng simbang gabi sa St. Peter’s Basilica sa Vatican City.

Bago magsimula ang ikalimang gabi ng simbang gabi, hiniling ni Cardinal Tagle na ipanalangin ang maraming Pilipino na apektado ngayon ng pananalasa ng nagdaang bagyo kung saan, nangangailangan sila ng tulong kabilang na ang pagkain, tubig at gamot.

Hiling din ni Tagle ang walang hanggang kapayapaang ng mga yumaong Pilipino dahil sa bagyo.

Sa kabila ng banta ng panibagong virus na Omicron variant ay marami pa rin ang nagsimbang gabi kung saan, mahigit limandaang katao ang dumalo ngayong taon. DWIZ882