(Cardinal Tagle sa millenials:) MAGING AKTIBO SA GAWAING PANG-ISPIRITWAL

Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle

QUIRINO GRANDSTAND – HINIMOK ni Manila Archbishop Luis Cardinal Tagle ang mga kabataan at millennials na maging aktibo sa simbahan at pagpapakalat ng salita ng Diyos.

Ginawa ng kardinal ang panawagan sa kanyang huling midnight mass sa Pista ng Itim na Nazareno bilang Arsobispo ng Maynila.

Ayon sa kardinal, ang pagganap sa tungkulin sa simbahan ay hindi lamang dapat maging obligasyon kundi dapat ay gawin itong debosyon ng bawat Katoliko.

Sa unang bahagi ng kanyang homily ay nanawagan si Tagle sa lahat ng Filipino na ipagdasal ang pag-iral ng kapayapaan sa harap ng umiinit na tensiyon sa Gitnang Silangan. EUNICE C.

Comments are closed.