NILINAW kahapon ng Archdiocese of Manila na walang iniendorsong kandidato si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle para sa midterm elections na idaraos sa Lunes, Mayo 13.
Ang paglilinaw ay ginawa ni Father Roy Bellen, ng Office of Communications ng Archdiocese of Manila, kasunod ng ulat na nag-eendorso umano ang cardinal ng mga kandidato para sa halalan.
Ayon kay Bellen, hindi mga politiko, kundi ang proseso ng pagsusuri at pagninilay sa pagpili ng iboboto, ang nakasaad sa cir-cular na inilabas ng Cardinal.
“What he is endorsing is the process of discernment that each person can do as they prepare and choose candidates to vote for the coming election, as example made by the People’s Choice Movement,” aniya pa.
Dagdag pa niya, sa nasabing circular ay pinaalalahanan din ng Cardinal ang mga mananampalataya sa kanilang tungkulin na maging bahagi sa pagbabago ng lipunan sa pamamagitan ng pagboto.
Nakasaad din ang panawagan na gamitin ang tungkulin at kapangyarihan ng pagboto sa pagpili ng mga kandidato na magliling-kod para sa kabutihan ng mas nakararami.
Hinikayat din ng Cardinal ang mga mananampalatayang botante na gamiting batayan ang proseso ng pagninilay ng People’s Choice Movement, na pinangunahan ng Sangguniang Layko ng Pilipinas at ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Episcopal Commission on the Laity ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), bilang gabay sa gagawing pagpili ng ihahalal.
“The result that they had in their discernment need not necessarily be the same result for all persons. It will differ based on the person’s experience, research and perception of the candidate. What the Cardinal is emphasizing and giving importance is the per-sonal experience of discernment and taking full responsibility of their choices in voting. Thus it becomes a choice that is informed, prayerful and product of discernment,” dagdag pa ni Bellen. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.