Standings W L
Benilde 6 1
JRU 5 2
LPU 5 2
San Beda 5 2
Letran 5 3
Perpetual 4 4
Arellano 4 4
SSC-R 2 4
Mapua 1 8
EAC 0 7
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – LPU vs SSC-R
3 p.m. – Benilde vs San Beda
PINATAOB ng Mapua ang Emilio Aguinaldo College, 67-55, upang putulin ang eight-game losing skid sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Umabante ang Cardinals sa 63-49 makaraang maisalpak ni Paolo Hernandez ang triple sa 3:11mark.
Ang panalo ay pumutol sa winless first round campaign ng last season’s runner-up Mapua, na ang opening day win kontra San Beda ay pinawalang-bisa dahil sa paggamit ng ineligible player.
Nagbuhos si Warren Bonifacio ng double-double na 16 points at 10 rebounds, nag-ambag si Hernandez ng 12 points, 7 boards at 3 assists habang nagsalansan si Rence Nocum ng 11 points, 8 boards at 3 assists para sa Cardinals.
“Siguro ‘yung extra workout nila, tuloy-tuloy pa rin kami. Hindi kami tumitigil,” wika ni Mapua coach Randy Alcantara.
Ang Generals na lamang koponan na wala pang panalo ss kanilang ika-7 sunod na kabiguan.
Tumirada si Allen Liwag ng 22 points at 7 rebounds, habang nagdagdag si JP Maguliano ng 11 points at 8 boards para sa EAC.
Sa ikalawang laro ay nalusutan ng defending two-time champion Letran ang late fightback ng University of Perpetual Help System Dalta upang maitakas ang 70-67 panalo.
Nagtala si Fran Yu ng 13 points at 5 assists habang umiskor din si Brent Paraiso, sa kanyang ikalawang appearance magmula nang magsilbi ng two-game suspension, ng 13 points at kumalawit ng 4 rebounds para sa Knights.
Iskor:
Unang laro:
Mapua (67) — Bonifacio 16, Hernandez 12, Nocum 11, Garcia 10, Pido 6, Cuenco 5, Salenga 4, Soriano 2, Parinas 1, Mercado 0, Lacap 0, Igliane 0.
EAC (55) — Liwag 22, Maguliano 11, Robin 10, Tolentino 5, Bajon 3, Luciano 1, Gurtiza 1, An. Doria 1, Cosa 1, Umpad 0, Balowa 0.
QS: 15-16, 35-27, 51-42, 67-55
Ikalawang laro:
Letran (70) — Paraiso 13, Yu 13, Sangalang 12, Caralipio 6, Reyson 6, Javillonar 5, Ariar 4, Santos 3, Monje 3, Olivario 3, Bojorcelo 2, Miclat 0, Guarino 0.
Perpetual (67) — Razon 20, Aurin 13, Nitura 8, Abis 7, Barcuma 6, Ferreras 3, Roque 3, Omega 2, Boral 2, Egan 2, Martel 1, Cuevas 0, Flores 0, Nunez 0.
QS: 21-14, 36-34, 52-55, 70-67.