CARDINALS SUMALO SA LIDERATO

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre, San Juan)

8 a.m.- EAC vs LPU (jrs)

10 a.m.- UPHSD vs CSB (jrs)

12 nn.- Letran vs EAC (srs)

2 p.m.- CSB vs SSC-R (srs)

4 p.m.- SBU vs JRU (srs)

6 p.m.- SBU vs JRU (jrs)

NAGPAKITANG-GILAS sina neophytes Warren Bonifacio at Eric Jabel sa kanilang kauna-unahang college game nang pataubin ng Mapua ang Jose Rizal, 72-60, upang sumalo sa maagang liderato sa 94th NCAA basketball tournament kahapon sa JRU Gym sa Mandaluyong City.

Kapuwa hinugot sa high school program ng Mapua, si Bonifacio ay tumipa ng 10 points at 9 rebounds habang nagpakawala si Jabel ng 9 points, kabilang ang 7 sa fourth quarter, upang tulungan ang Cardinals na makasalo ang opening day winners San Beda at Lyceum of the Phl U sa pangunguna.

“They’re good but they have a lot more to show,” wika ni Mapua coach Atoy Co patungkol sa duo nina Bonifacio at Jabel.

Ang bagong bihis na Bombers ay pina­ngunahan nina RJ David na may 12 points at Jed Mendoza na may 11.

Nanguna naman si Laurenz Victoria para sa Cardinals na may 11 points.

Sa junior’s division, naitakas ng Jose Rizal University ang 80-70 panalo laban sa Mapua.

Mula sa bench ay kumamada si Marwin Dionisio ng double-double na may game-highs 19 points at 11 rebounds habang nag-ambag sina Cadell Buno, John Amores at Thomas Vasquez ng  14, 13 at 12 points, ayon sa pagkakasunod-sunod, upang ihatid ang Light Bombers sa kanilang unang panalo.

Ang panalo ay nagdala rin sa Kalentong-based cagers sa ibabaw ng standings, kasama ang Perpetual Help Junior Altas, na ginulantang ang San Beda Cubs, 72-69, at ang San Sebastian Staglets, na naungusan ang Lyceum of the Phl U Junior Pirates, 69-68, noong Linggo.

Iskor: (Juniors)

JRU (80)- Dionisio 19, Buno 14, Amores 13, Vasquez 12, Baluyot 8, Mendoza 6, Portales 4, Icban 4, delos Santos 0, Macatangay 0, Fortuna 0, Garcia 0

MU (70)- Sarias 16, Mariano 13, Escamis 9, Policarpio 8, Quimado 8, Hernandez 7, Smith 6, Arches 3, Dennison 0, Chavez 0, Fransman 0, Diaz 0

QS: 18-12; 43-33; 63-60; 80-70

Comments are closed.