CAREGIVER NG INA NI AI AI DELAS ALAS MATAGAL NANG WANTED

Ai Ai

NAGING maagap naman ang mga awtoridad  para tugunan ang reklamo ni Ai Ai hotshotsdelas Alas sa naging panawagan niya sa Facebook kaugnay ng kanyang kinuhang caregiver para sa kanyang ina na kung saan ninakawan ito ng pera at alahas bago nilayasan ang mother dear ng sikat na komed­yante.

Sa  naging post ni Ai Ai sa Instagram, ayon na rin mismo sa ginawang imbestigasyon ng mga kinauukulan ay may kaso na raw pala itong caregiver na ang pangalan daw ay Marie Jean Ama de los Santos.

“Dati  na nagnakaw sa kapitbahay namin at lumipat ng ibang agency.”

Ibinigay ni Ai Ai ang phone number na kung saan siya puwedeng tawagan para sa magbibigay ng anuman impormasyon sa caregiver na nagnakaw raw ng pera at alahas ng kanyang nanay.  Ang phone number ay 0917-751-1797.

Sa naging panawagan ni Ai Ai ay tumulong na rin ang isang samahan ng mga caregiver  sa bansa na ini-report na ang pangalan ng babae sa kanilang samahan.

MARK LAPID AT TANYA GARCIA PROUD PARENTS  SA ANAK NA VALEDICTORIAN

PROUD  parents  nga na matatawag ang mag-asawang Mark Lapid at Tanya Garcia-MARK LAPID AT TANYA GARCIALapid dahil magtatapos ang kanilang anak na si Mischa Amida bilang valedictorian sa grade school.

Post  nga ni Tanya sa Instagram: “congratulations  ate @mischalapid #alwaysthebest.”

Ang caption naman ni Mark sa kanyang anak sa IG post nito ay, “Congrats Ate!!!”

Magmula ng mag-asawa si Tanya ay unti-unti na rin nitong tinalikuran ang pag-aartista para asikasuhin ang kanyang anak at husband. Mas pinili niya maging plain housewife kay balikan ang showbiz. Tutol siya sa pag-aaral ng kanilang tatlong Maria ni Mark kaya naman nag-excel ang mga anak sa kanilang pag-aaral.

Kaya time-out muna si Mark sa kanyang pa­ngangampanya bilang mayor ng Porac, Pampanga dahil hindi ito puwedeng mawala sa araw ng graduation ng kanilang anak at para marinig na rin ang valedictorian speech nito.

Matatandaan na pinatay na ang character ni Mark sa FPJ`s  Ang Probinsiyano noong magsisimula na ang campaign period ng mga local candidate. Ba­wal kasi sa mga kandidato na makita sila sa isang television na may show or teleseryeng ginagawa.

MGA KANDIDATONG WALA PANG NAPATUTUNAYAN TIGILAN NA ANG PAPOGI

TAWAG pansin. Ayaw pa rin tumigil ng mga kandidato na da who na hanapan ng mga matitira ang mga kilala at siya naman mananalo talaga sa darating na election sa May 13. Pilit pa rin kasi nila hinahanapan ng maisisira para lang sila maki­lala dahil alam nila na wala silang makukuhang boto kung hindi gagamitin ang mga kalaban sa politika.

Nandoon na sasabihin pilit na gagamitin ang mga nangyayaring nagaganap sa ating bansa na puwede nilang gamiting panira sa administrasyon para sila lumabas na mga pogi.

Tigilan na kasi ang mag-ilusyon na mananalo dahil sa totoo lang ay wala pa rin nakakakilala sa kanilang grupong kandidato na nangangarap na maging Senador ng bansa.

Mag-senador ba naman ang pangarap at ambisyon samantalang wala pa naman silang napapatunayan para iboto ng sambayanang Pinoy.

Comments are closed.