CARETAKER NG PANABONG NA MANOK ITINUMBA

pinagbabaril

QUEZON – DUGUAN at wala ng buhay nang matagpuan ang isang caretaker ng sasabunging manok sa may feeder road harapan ng BM Gas Station,Sitio Sarap-buhay bahagi ng Brgy.Tumbaga 1, bayan ng Sariaya noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni PMajor William Angway, hepe ng Sariaya-PNP ang biktima na si Frederick Catapang, 38-anyos at residente ng Purok 2 ng nabanggit na barangay.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:45 ng hapon ay nakatayo si Catapang sa lugar nang biglang dumating ang suspek at paulit-ulit itong binaril sa likurang bahagi ng ulo na naging dahilan nang agad nitong pagkamatay.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon at follow-up operation ng mga pulis sa insidente na sa kasalukuyan ay hindi pa nababatid ang motibo ng pamamaril at hindi pa rin nakikilala ang mga nasa likod ng krimen. BONG RIVERA

Comments are closed.