CARGO MULA UK PUWEDE SA PINAS

CARGO UK

PAPAYAGAN pa rin ang pagpasok ng cargo mula United Kingdom kung saan naitala ang bagong strain ng COVID-19.

Subalit nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na dadaan pa rin ito sa matinding pagsisiyasat.

“Allowed po ang cargo at iyan naman po ay subject sa disinfection lang” sabi ni Roque.

Isa lamang ito sa mga naging desisyon sa meeting na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Sabado ng gabi sa Malakanyang kung saan dumalo ang mga matataas na opisyal ng gobyerno at mga health expert sa bansa.

Dumalo sa naturang meeting ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, mga miyembro ng gabinete aa pangunguna nina Executive Secretary Salvador Medialdea at  Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.

Ipinaliwanag naman ni Health Secretary Francisco Duque na titiyakin ng pamahalaan ang istriktong pagpapatupad ng mga health protocol gaya ng pag-spray sa cargo. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.