ILOILO- APAT katao ang namatay nang bumaligtad ang isang cargo truck kahapon ng madaling araw sa bayan ng Sara sa lalawigang ito.
Sa ulat ng Sara Police Office, kinilala ang mga nasawi na sina Henry Diyan Jr., 35-anyos, driver ng truck at ang pahinante nitong si Rey Sinoy, 25-anyos.
Samantalang, dead on arrival sa pagamutan sina Romualdo Norsan, 30-anyos at Jaime Ciudad na naipit ng truck at natabunan pa ng karga nitong mais habang natutulog sa loob ng isang dryer facility.
Base sa pagsisiyasat ng Sara MPS, binabagtas ng nasabing truck ang national highway sakop ng Barangay Apelo nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng truck.
Sa bilis ng takbo at bigat ng kargamento ay hindi na nakontrol ni Diyan ang manivela dahilan para bumaligtad ito.
Nagpaikot-ikot muna ang truck bago tuluyang bumangga sa drier facility sa nasabing lugar kung saan natutulog sina Norsan at Ciudad. VERLIN RUIZ
147410 207537 An intriguing discussion is worth comment. I believe which you ought to write far more on this topic, it may well not be a taboo topic but generally men and women are not enough to speak on such topics. To the next. Cheers 417432
288155 452642Some truly great articles on this website , appreciate it for contribution. 64985