CARGO VAN TUMAGILID: 33 SUGATAN

QUEZON- UMAABOT sa 33 katao ang nasugatan matapos tumagilid ang sinasakyan nng mga biktima na cargo van na naganap sa bayan ng Infanta sa lalawigang ito nitong Sabado.

Ayon sa Infanta Police, sakay ng van ang mga empleyado ng isang construction service company kabilang ang kanilang mga pamilya na papuntang Real, Quezon mula sa Antipolo para sana sa isang outing.

Batay sa inisyal na report, nawalan umano ng kontrol ang driver ng van habang dumadaan sa pakurbada at pababang bahagi ng highway sa Sitio Pinlac, Barangay Magsaysay.

Isang menor de edad at tatlo pang pasahero ang nasa malubhang kalagayan habang ang iba naman ai minor injuries lamang ang tinamo.

Agad namang naisugod sa Infanta Hospital ang mga biktima para malapatan ng mga paunang lunas.
EVELYN GARCIA