CARGO VEHICLE AALALAYAN NG PNP-HPG PARA SA MABILIS NA BIYAHE

Archie Gamboa

CAMP CRAME-NAGIGING problema ang pagkakaantala ng biyahe ng mga cargo vehicle dahil sa istriktong pagpapatupad ng home quarantine rules.

Dahil dito ay inutusan na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Francisco Gamboa ang PNP Highway Patrol Group na pangunahan ang pagbibigay ng seguridad sa mga cargo vehicle na nagde-deliver ng mga pagkain at iba pang pangunahing pangangailan sa mga pangunahing kalsada sa Luzon.

Ayon kay Gamboa, may mga hakbang silang inilalatag,  kasama si Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, Deputy Chief for Administration, kaugnay sa mabilis na biyahe ng mga cargo vehicle na itinuturing na ‘essentials’.

Si Cascolan ay supervisor sa administrative side ng Joint Task Force CV Shield habang komander naman  si Lt. Gen. Guillermo Eleazar, Deputy Chief for Operations.

Inutusan na rin ni Gamboa si Eleazar na magdesisyon kung saan ide-deploy ang mga HPG personnel.

Inatasan na aniya ang HPG na maglagay ng Dedicated Control Points (DCPs) sa  provincial boundaries at iba pang strategic areas kung saan malimit dumaraan ang mga cargo vehicle.

Tutulong naman sa HPG sa pagmamando sa mga DCPs ang local police units.

Paglilinaw ni Gamboa, ang mga cargo vehicle ay dapat i-flag down lamang ng mga PNP HPG  sa mga dedicated control points at hindi sa quarantine checkpoints. VERLIN RUIZ

Comments are closed.