CEBU – NAGLIYAB at nilamon ng apoy ang isang domestic cargo vessel habang nagsasagawa ng pagkukumpuni hang-gang sa magbaga ang mga karga nitong mga pintura at mga kahoy sa Naga City, Cebu.
Batay sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), dakong alas-8 ng gabi nang rumesponde ang coast guard first responders combat unit, Coast Guard Substation Naga, PCG Ship MRRV 4404 at MRRV 4406, Special Operations, Medical and Marine Environmental Protection Unit upang apulahin ang sunog sa MV Princess Andrea 2 matapos makatanggap ng distress call.
Pinaniniwalaang nagmula ang sunog habang nagsasagawa ng hydraulic repairs at welding kung saan nagbagsakan ang baga sa mga nakatambak na kahoy at pintura sa harapang bahagi ng barko.
Ayon sa PCG, pag-aari at ino-operate ng Unified Shipping Lines ang barko na may 20 crews.
Nasa ligtas na kalagayan naman ang mga tripulante at hindi rin nagdulot ng oil spill ang naganap na sunog gayunman nagsasa-gawa na ng imbestigasyon kung may dapat na managot sa insidente.
PAUL ROLDAN
Comments are closed.