CARGO VESSEL NASUNOG: 1 PATAY

BATANGAS- ISANG cargo vessel na nakadaong sa Alpha Anchorage Area ang nasunog na nagresulta sa pagkamatay ng isa katao nitong Sabado ng umaga sa lalawigang ito.

Ayon sa pahayag ni Commodore Geronimo Tuvilla, Coast Guard District Commander sa Calabarzon, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasawi.

Base sa imbestigasyon, nagsimula ang apoy dakong alas-9 ng umaga at ganap na naapula dakong alas-11 ng tanghali.

Nabatid na isang tawag ang natanggap ng Batangas Coast Guard Station hinggil sa isang nasusunog na barko na nakadaong sa dagat malapit sa anchorage area.

Kaya’t agad na nakipag-ugnayan sa Bureau of Fire and Protection at Provincial Disaster Risk Reduction office para mabilis na maapula ng apoy.

Tatlong malalaking tugboats ang agad na ipinadala para maisakay ang mga firefighting equipment at mahila ang nagliliyab na cargo vessel.

Siniguro naman ng Marine Environmental and Protection Group sa Batangas na makilipag- ugnayan sila sa Petron Company para maagapan ang posibleng oil spill sa lugar. ARMAN CAMBE