PASAY CITY – NAGPAPAKAPOSITIBO ang Department of Foreign Affairs (DFA) na nakaligtas ang limang seafarers na lulan ng nasunog na cargo vessel na naglalayag sa karagatang sakop ng Hawaii, USA.
Sa ulat, nasunog ang MV Sincerity Ace noong bisperas ng Bagong Taon sa 1,800 nautical miles northwest ng Oahu.
Inabisuhan na ng DFA Office of Migrant Workers Affairs ang manning agency ng barko upang mahanap ang limang tripulante.
Samantala, ang nalalabing 16 na Filipino seafarers ay nasagip ng United States Coast Guard at iba pang dumadaang merchant vessels at karamihan sa mga ito ay nakabalik na ng bansa.
Ang MV Sincerity Ace ay patungo sana ng Japan na may dalang 3,500 na brand new na mga sasakyan at nang sumiklab ang sunog dito ay inabandona ng mga crew member nito ang naturang barko. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.