CARIAGA SASAMPA NA SA PBA

Job Cariaga

NAIS ni Fil-Canadian Job Cariaga na sumunod sa yapak ng kababayang si Matthew Wright na kasaluku­yang naglalaro sa PBA para sa Phoenix sa gabay ni coach Louie Alas,  at kabilang sa national team na sumabak sa  FIBA World Asia qualifying sa ilalim ni coach Chot Reyes.

“I’ve been dreaming to play in the PBA like Matt (Wright),” sabi ng 26-anyos na nakatira sa Calgary at anak ng isang Pinay mula sa Iligan City.

Nakuha ni Cariaga ang atensiyon ng mga Pinoy dahil sa kanyang likas na galing na ipinamamalas sa PBA D-League kung saan naglalaro siya para sa AMA Online Education Titans.

“I’m really interested to play in the PBA. PBA has big following in Canada because many Filipinos are living in that country,” wika ni Cariaga.

Nagsimulang maglaro si Cariaga sa edad na 14 sa Southern Alberta Institute of Technology (SAIT) sa Calgary habang nag-aaral ng ­Energy Asset Management.

Dahil sa hangad niyang makapaglaro sa PBA, nagpasiya si Cariaga na bumalik sa Pinas.

Naglaro rin si Cariaga sa Victoria Sports at sa Zark’s Burger Jawbreakers sa farm league ng PBA.

Isa si Cariaga sa rookies na papasok sa PBA draft na gaganapin sa Oktubre at umaasa ang Fil-Canadian na makapaglalaro siya sa liga.

“I’m really excited for the next PBA draft,” sabi ni Cariaga.

“I want to play for San Miguel and join Alex and Chris,” sambit pa niya.

Nais din niyang maglaro para sa NLEX, Talk N Text, Meralco at Phoenix. CLYDE MARIANO