CARIASO BAGONG HEAD COACH NG BLACKWATER

blackwater elite

SI Jeff Cariaso ang magiging bagong head coach ng Blackwater sa PBA.

Papalitan ni Cariaso si Ariel Vanguardia, na nagpaalam na sa franchise noong weekend natapos ang dalawang taong paggabay.

Si Cariaso ay magbabalik sa coaching makaraang pakawalan ng Converge FiberXers noong August 2022.

Isang eight-time champion bilang player, sisikapin ni Cariaso na maiangat ang lBlackwater franchise na nahirapan sa Commissioner’s at Governors’ Cups makaraan ang playoff appearance sa All-Filipino Conference.

Ang Bossing ay nakapasok sa playoffs bilang eighth seed sa Philippine Cup, at sinibak ng eventual champion San Miguel sa quarterfinals.

Gayunman ay nakapagtala lamang ang koponan ng apat na panalo sa sumunod na dalawang conferences.