TACLOBAN CITY – Lumawak pa ang presensiya ng red tide sa Eastern Visayas ngayong linggo at nadagdag ang lalawigan ng Leyte.
Dahil dito ay 10 baybayin na ang apektado ngayon ng nakalalasong organisms mula sa siyam na naunang inireport sa rehiyon, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sa kanilang advisory, sinabi ng BFAR na base sa latest seawater sampling, positibo rin sa red tide ang Carigara Bay sa lalawigan ng Leyte.
Noong nakaraang linggo, iniulat ng bureau na siyam na baybayin sa Samar, Eastern Samar, at Biliran province ang kontaminado ng red tide toxins, kung saan ang ilang bahagi ng karagatan ay nagpakita ng red discoloration.
Ang mga ito ay ang Matarinao Bay sa mga bayan ng General MacArthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo sa Eastern Samar; coastal waters ng Biliran Island sa Biliran province; Villareal Bay, waters ng Daram Island at Zumarraga Island; Maqueda Bay sa mga bayan ng Jiabong, Motiong, Paranas, San Sebastian, Calbiga, Pinabacdao, at Hinabangan; Cambatutay Bay sa Tarangnan; Irongirong Bay sa Catbalogan City; at coastal waters ng Calbayog City, pawang sa Samar.
“The interplay of unusual weather patterns is seen to have a direct impact on unpredictable weather conditions in Eastern Visayas. El Niño and the onset of occasional heavy rainfalls could have triggered the upwelling of inner shallow bays, bringing up sediments laden with red tide microorganism cysts,” sabi ng BFAR 8 (Eastern Visayas) sa isang statement.
“These microorganisms then used the organic load that comes with the sediments to start the bloom. This occurred as a series of events in different inner bodies of water and was further intensified by the ever-changing current patterns in these areas, further spreading the red tide blooms.”
Pinapayuhan ang publiko na iwasan ang paghango, pagbebenta, o pagkain ng anumang uri ng shellfish, kabilang ang alamang mula sa Samar Sea. ULAT MULA SA PNA