Carl Ocab, INTERNET GENIUS

Jayzl Villafania Nebre

Sa edad na 12, nagsimula si Carl Ocab a maglaro sa internet. Lumikha siya ng mga information websites and forums.

Sa edad na 13, sinimulan niya ang carlocab.com. Makalipas ang ilang buwan, nanguna ang kanyang website sa Google. Dito na siya napansin ng maraming media outlets. Sa ngayon, ginawa niya ang carlocab.com na isa sa highest caliber internet marketing agencies.

Sa edad na 14, sikat na sikat na siya sa internet world dahil napakaraming negosyo ang natulungan niya na makilala sa Google. Siya na ngayon ang founder at CEO ng Carl Ocab Digital Marketing Inc.

Parang kelan lang, 2006, nag-eeksperimento lang ang dose anyos na si Carl Ocab sa digital marketing at gumagawa ng websites at forums. Nang sumunod na taon, itinayo na niya ang www.CarlOcab.com na agarang naging highest-ranked sites sa Google dahil sa kanyang highly-coveted keyword “make money online.” Binuksan rin niya ang Rich Kid Media, isang web development and branding company.

In fairness, hindi niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral. Nakatapos siya ng AB Psychology – may kalayuan sa napili niyang IT inclinations, pero malaki raw ang naitutulong sa kanyang negosyo.

Sa galing ni Carl, kinalimutan na ng mga negosyante ang traditional advertising tulad ng yellow pages, magazines, newspapers, televisions, at radio. Iba na ngayonmo pa ang nag-advertise sa TV, at sa mas murang halaga pa.

Of course! Meron tayong 67 million online users. Sa 110 million populasyon ng Pilipinas, lumalabas na 60% ng mga tao sa bansa ay gumagamit ng internet. Isipin mo na lang, sino sa Pilipinas ang walang cellphone? Minsan nga, dalawa pang cellphone ang pag-aari ng isang tao. Of course, click ang digital advertising!