MUKHANG sooner than expected ang pagpapakasal ng magnobyong sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. E kasi naman inamin ni Carla na pareho sila ng kanyang boypren na nag-e-effort na makakita ng malaking tirahan.
Say nga ni Carla, mas todo effort daw itong si Tom dahilan sa lahat na yata ng kanyang mga kaibigan ay tinatanong niya kung saan makabibili ng house and lot for a bigger family. Maging sa internet ay research to the max itong si Tom. Ani pa rin ni Carla, ang naturang bahay na balak nilang bilhin ay para raw sa future family nila. Kung matatandaan ay madalas na sabihin nina Tom at Carla sa katanungan kung kailan nila balak na magpakasal ay consistent ang dalawa sa pagsasabing napag-uusapan na nila ang tungkol sa bagay na ito pero wala pa raw eksaktong araw kung kailan ang kasalan. Hindi pa nga raw mangyayari ito ngayong taon o sa susunod na taon. Pero sa takbo ng pangyayari ay tila mas mapabibilis pa ang pagpapakasal ng dalawa.
Sa ngayon ay puspusan ang taping ng kanilang “The Cure” ni Jennylyn Mercado dahilan sa nalalapit na pagtatapos nito samantalang si Carla naman ay magsisimula na sa kanyang bagong teleserye sa Kapuso Network at hindi pa rin niya alam kung sino ang kanyang magiging leading man sa new project na ito.
KYLIE PADILLA NAPUNA ANG PAGBABAGO KAY ALJUR ABRENICA
MALAKI na nga ang pagbabago sa ugali at kilos ngayon ni Kylie Padilla, ‘yan ang puna ng kanyang mga co-stars sa teleseryeng “The Cure”. Ibang-iba na raw si Kylie, mommy na mommy na nga raw ang dating nito at nag-mature na rin daw itong si Kylie kahit pa sa kanyang desisyon lalo na kung may kaugnayan sa pera.
Kung sobrang maalagang ina itong si Kylie sa anak nila ni Aljur Abrenica, aminado naman si Kylie na mas magaling at eksperensiyadong mag-alaga ng bata ang aktor. Malaki raw kasi ang naging epekto ng pagiging isang panganay na kapatid kay Aljur dahil si Aljur daw ang nag-aalaga sa kanyang mga nakababatang mga kapatid noon. Malaki na rin daw ang pinagbago sa ugali ngayon ni Aljur, at madalas pa nga raw itong nasa bahay na lang ‘pag walang trabaho.
NORA AUNOR MAKAKABANGGA NI COCO
MARAMI ang nagsasabing malamang daw ang papalit sa timeslot na iiwanan ng “The Cure” ay ang bagong teleserye ng Pambansang Bae na si Alden Richards, pero may nagdududa na gagawin ito ng GMA7 management dahilan sa balak daw talaga ng Kapuso Network na ipalit ito sa nalalapit na ring pagtatapos ng top rating teleserye nilang “Kambal Karibal”.
May tsikang hindi raw si Alden ang ipantatapat sa teleserye ni Coco Martin na “Ang Probinsyano” kundi ang teleserye ng nag-iisang superstar na si Nora Aunor, ang “Onanay” kung saan makakasama ni Ate Guy ang batikang actress na si Cherie Gil at ang mga baguhang artista.
Kung naging malaking factor noon ang presence ni Ate Guy sa “Little Nanay” ni Kris Bernal para magklik ito sa masa, maulit kaya ito sa “Onanay”? Im sure marami-raming Noranians ang todo effort ngayon na susuportahan ang bagong teleserye ni Ate Guy sa Siete lalo pa nga’t isa nang contract star ng Kapuso si Nora.
Pagdating naman sa teleserye ni Alden, playing safe naman daw ang GMA7 dahilan sa laki ng cast nito at budget ay mas malamang ilagay ito sa iiwanang timeslot ng “Kambal Karibal”.
Comments are closed.