KUNG si Tom Rodriguez ang tatanungin, ang girlfriend na si Carla Abellana ang babaeng nais niyang pakasalan at ma-kasama sa habang buhay, tulad din nang pagkagusto ni Carla na si Tom ang lalakeng nais niyang pakasalan. Sa loob ng apat na taon na pagiging magkarelasyon ng dalawa ay tinuldukan na rin ni Carla ang isyung pagpapakasal nila ng boypren.
Ani ni Carla, napag-usapan na nila ni Tom ang wedding nilang dalawa, kasado na, ang petsa na lang daw ang kulang kung kailan ito gagawin. Parang nagpahiwatig si Carla na tila nag-propose na ng kasal si Tom sa kanya? Dagdag na say pa rin ni Carla na wala naman daw siyang dream wedding, ang importante lang sa kanya ay ang bendisyon ng simbahan sa kanilang pagpapakasal. Katolikong sarado kasi si Carla. Ano naman kaya ang kulang para hindi pa nila ituloy o bigyan ng petsa ang kanilang pag-iisang dibdib? Ani ni Carla, may mga bagay pa rin daw silang dalawa ni Tom na nais gawin at ayusin, ang boypren sa kanyang hilig sa arts and drawing, samantala, si Carla naman ay nais na munang tutukan ang kanyang negosyo. Hindi naman daw usapin para sa dalawa pagdating sa financial at emotional stability, pasok na pasok na raw sila sa puntong ito pagdating sa usaping pagpapakasal.
LIZA SOBERANO ‘DI MAKALIPAD BILANG DARNA
MARAMI na ang naiinip at halos isang taon na rin naman ang nakalilipas nang lumabas ang balitang si Liza Soberano na ang gaganap na Darna at marami sa mga nagdaang mga artistang lumabas na rin bilang Darna ang nagsasabing right choice nga si Liza para sa papel na ito. Ilang eksena na rin naman ang nakunan sa Darna movie ni Liza at patuloy pa rin si pagti-training ng martial arts si Liza para mabigyan niya ng hustiya ang pagiging action star and superheroine.
Ano na nga ba talaga ang tunay na status ng Darna, at tila mas lalo pang mauudlot ang paglipad ni Liza bilang si Darna dahilan sa balitang pagre-resign naman ngayon ng director nitong si Erik Matti.
Ayon sa pinost ng director sa kanyang social media account, tila ang ‘pangingialam’ ng ilang tao sa kanyang trabaho ang naging sanhi para bitawan ni Erik ang paglipad sa ere ni Darna. Wika pa nga ni Direk, hindi raw niya feel magtrabaho na kasama ang mga taong hindi propesyonal pagdating sa tra-baho.
Comments are closed.