TULAD ni Heart Evangelista, may soft spot din sa puso ni Kapuso actress Carla Abellana ang mga hayop. Hindi lang iilang beses na nagalit si Carla sa mga taong sinasaktan ang mga hayop. At sa pag-aalboroto ng bulkang Taal hindi lang mga tao ang naapektuhan pati na rin ang mga hayop. May mga nasagip pero mas maraming namatay.
Sa social media post ay binuhos naman ni Carla ang pagdadalamhati sa mga hayop na nasugatan, nagutom at nauhaw at higit sa lahat ay sa mga hayop na namatay.
Ang isa sa labis na nagpalungkot kay Carla ay ang isang kabayo na kanyang sinadya pa sa shelter. Tinawag niya itong si Princess. Limang araw na nanatili sa isla ang kabayo bago nasagip. Sa sobrang gutom at uhaw ng kabayo ay nanghina ito bago nasagip.
Napakain pa ni Carla si Princess pero kinabukasan ay nabalitaan na lang ni Carla na pumanaw din ang kabayo. Inamin ni Carla na di niya napigilan na mapaluha sa sinapit ni Princess.
Sa kanyang social media ay pinarating ni Carla ang kanyang dalamhati sa pagsasabing malaya na si Princess.
Sa ngayon ay abala si Carla sa bago niyang teleserye sa Siyete, Ang “Love of my Life” kasama sina Rhian Ramos, Mikael Daez at Ms. Coney Reyes and special guest na si Tom Rodriguez.
KISSES DELAVIN NAMIMILI NG PROYEKTONG GAGAWIN
MARAMI ang umaasang mapanonood ng tagahanga ng bagong talent ng APT Entertainment na si Kisses Delavin ang kanilang idolo sa isang soap sa Kapuso Network. Kung matatandaan ay halos lahat ng talent ng APT na kinabibilangan din nina Marian Rivera at Maine Mendoza ay sa GMA 7 gumagawa ng serye o mga shows and guestings. Kaya ganu’n na lang ang expectation ng supporters ni Kisses.
Tsikang isa sa dahilan Kung bakit hanggang sa ngaon ay wala pa rin serye o show itong sa Kapuso Network, ay ang pagiging choosy diumano niya pagdating sa serye o movies.
Ani ni Kisses, ‘di raw totoo ang negang balita na kinakalat sa kanya sa social media. May mga bagay kasi sa buhay ni Kisses na gusto niyang gawin ang isang proyekto na feel na feel niyang gawin. Ayaw daw kasi na napipilitan lang siyang gawin ito at di nararamdaman ng kanyang puso ang isang proyekto.
Mas mainam daw gawin ang isang show na ma-e-enjoy ito ng isang actor at walang hate na lalabas sa kanyang puso.
Comments are closed.