KASABAY ng pagsabog ng kontrobersiya ng hiwalayan ng mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez, nagkaroon ng iba’t ibang interpretasyon sa tunay na dahilan nito.
Tahimik lang ang magkabilang kampo, pero may tsikang lilipat si Carla ng ibang istasyon dahil sa nasabing isyu. Pero nilinaw niyang walang ober da bakod na mangyayari. Mananatili siyang Kapuso. In
fact, may bagong project siya sa Siete, ang “Voltes V: Legacy” kung saan ay isa siya sa main character na si Dr. Mary Ann Armstrong.
“Napakalaking blessing po nito. Ang ganda ng set, ang ganda ng costumes, ang huhusay ng mga bata umarte. It’s amazing,” ang say ni Carla.
SARAH LIRIO JAVIER, FEEL SUMABAK SA MGA TELESERYE
REMEMBER Sarah Lirio Javier na dating member ng “That’s Entertainment” Monday group bago pa man mapalitan ito ng ‘DATS’? dahil maganda at may talent sa pagkanta at pag-arte, hindi naging mahirap sa kanya na makapasok sa naturang teen show.
Sa 6th PMPC Celebrity Badminton Tournament, dumalo at nakipaglaro si Sarah sa mga kapwa celebrities. Maganda pa rin siya kahit maagang nakapag-asawa at naging ina, at sa US na tumira nng halos dalawang dekada.
Nagbalik-Pinas at nagnegosyo. Sa ngayon, sumabak siya sa suspense thriller na “Nelia” ni Winwyn Marquez na naging isa sa official film nitong 2021 MMFF. Kasama rin siya sa pelikulang “Ang Bangkay” na dinerehe ni Direk Vince Tanada, na isasali sa iba’t ibang international film festival. Pero ang pangarap pala niya ay mapasama sa isang teleserye
“I will love too. Sana, mapansin ako ng mga TV network at mapagbigyang lumabas sa teleserye dahil ‘first love’ ko ang pagiging artista. Kaya nga ako nagbalik-Pinas. Napagtapos ko na sa pag-aaral ang aking mga anak at suportado naman ako ng akong mister kaya push ko ito,” saad ni Sarah. But wait there’s more. Excited na si Sarah sa nalalapit na launching ng kanyang bagong single kung saan ay siya mismo ang sumulat ng kanta, ang “Ihip Ng Hangin”.
ZANJOE MARUDO, NA-CHALLENGE SA TAMBALAN NINA JC SANTOS AT BELA PADILLA
Klik ang tambalang JC Santos at Bela Padilla. Halos lahat ata ng pelikulang ginawa nilang dalawa ay tinangkilik ng masa, tulad na lang ng “100 Tula Para Kay Stella”, “The Day After Valentine” at “On Vodka, Beers, and Regrets”.
Muling magsasama sina Bela at JC sa 366, pelikulang mismong si Bela ang direktora. Kasama rinn nila si Zanjoe Marudo. Nagkasama na rin sa ilang projects sina Bela at Zanjoe pero first time nilang magsasamang tatlo. At sabi ni Zanjoe, “Malaking challenge for me na kasama ko ang established tandem (JC at Bela) on screen. I’ve worked with Bela on TV, but this is our first film together, so kailangan kong sabayan sila ni JC for the movie to work well,” ang say ni Zanjoe.
Gusto rind aw niyang maging director someday pero kailangan pa niyang manghiram ng lakas ng loob kay Bela bago niya magawa ito.