CARLA ABELLANA MAY RESTO NA, MAY BAGONG FRANCHISE BUSINESS PA

POSH NAILS

MAGDADALAWANG taon na ang resto ni Carla Abellana na Smokes BBQ restaurant na nasa Matilde St.entra eksena cor. Jacobo St. sa Makati. May dalawang kasosyo rito si Carla pero mas malaki ang share niya sa puhunan kaya siya ang pinaka-major stockholder nito.

Ngayon ay may bagong franchise business si Carla ang “Posh Nails” at hands on ang nasabing Kapuso actress sa pamamahala ng sariling branch na located sa 3rd level ng Ayala Mall Feliz sa Pasig. Masaya si Carla at majority ng kanilang mga suki sa Posh Nails ay kanyang fans and supporters. Dito na rin daw nagpapa-manicure at pedicure ang bf nitong si Tom Rodriguez.

Malapit na pala ­uling mapanood si Carla sa GMA7 kasama ng ibang co-stars sa bagong teleser­yeng “Pamilya Roces.”

SINGER-COMPOSER JOHN ALEJANDRO

SUPORTADO NG KAPWA ARTIST SA JAPAN      

 JOHN ALEJANDROVERY selfless itong kaibigan naming singer-composer na si John Alejandro sa mga kapwa local artist gayundin sa mga Japanese singer o banda na madalas niyang makasama sa kanyang mga regular gig sa mga kilalang Club at Music Bar sa Yokohama, Japan. Yes, kahit guest lang si John sa isang concert bilang suporta niya sa main artist ay todo promote agad siya sa kanyang social media account.

Of course, marami pang gustong marating ang nasabing recording artist tulad ng mapansin ng mga sikat na recording company ang kanyang mga composition.

Isa pala sa komposis­yon ni John na nakaantig ng aming damdamin at puso ay ‘yung kinanta niya sa isang competition na “Para sa anak,” na habang nagpe-perform sa stage ay nasa harapan niya ang kanyang anak na lalake at panay ang cheers sa kanya nang “Go Papa, Go Papa.”

Ewan ko kung bakit hindi ang entry piece ni John ang nagwagi rito, ang tanong ko nga nagkamali ba sa kanilang pandinig ang mga judge na kinabibilangan ni Aiza Seguerra. Pero nang tanungin namin si John kung nadismaya ba siya sa kanyang pagkakatalo ay maikling sagot nito, “Ok lang po, ganyan po talaga ang contest. Saka hindi niloob ng Dios. Aba’y malay natin baka sa Himig Handog 2018 ay mapansin na ang 2 songs entries ni John.

LIBRE ANG MAGPA-BOOK AT MANOOD SA EAT BULAGA NG LIVE

NABUKO ni Willie Revillame ang modus ng mga booker sa kanyang variety game show kung saan niraraket ng mga ito ang mga kaawa-awa nating kababayan na gusto maging parte ng studio audience na kanilang pineperahan.

Ang Eat Bulaga ay aware sa mga ganitong modus kaya naman sa kanilang Official Facebook Fan Page ay mahigpit ang kanilang paalala sa lahat ng Dabarkad na gusto silang mapanood ng live sa Broadway studio. At narito ang paraan para kayo makapasok sa Broadway Studio: 1. First come, first served basis po ang aming booking. Magpunta lang po sa Broadway Centrum, Lunes hanggang Huwebes, 3:00 to 5:00 ng hapon para magpasa ng inyong request letter.

Maaari po kayong tumawag sa (02) 631-5501 mula Lunes  hanggang Biyernes para sa inyong mga kata-nungan at hanapin si Maila. Balikbayan – puwede po na ang kamag-anak nila sa Maynila ang mag book in advance para sa kanila, magdala lang po ng kopya ng passport ng balikbayan na uuwi at valid id po ng kamag-anak na mag-book. excursionist – magdala po ng letter ng inyong grupo, Barangay clearance, valid ID 2. Ang programang Eat Bulaga ay FREE ENTRANCE sa lahat po ng manonood. Hindi sila tuma-tanggap ng reservation online.

Comments are closed.