AMINADO si Carla Abellana na hindi na siya bumabata and at age of 33 ay kailangan na rin naman niyang makabuo ng sarili niyang pamilya.
Matagal-tagal na rin naman silang mag-on ng boypren na si Tom Rodriguez at aminado naman ang bawat isa na nakikita na nilang dalawa na sila ay meant for each other, ika nga, ‘Love of my Life”.
Pero hanggang sa ngayon ay wala pang linaw kung may plano na ba ang dalawa para sa kanilang pagpapakasal at marami na ang nag-aabang kung kailan magpo-propose si Tom kay Carla.
Naunahan pa nga ng non-showbiz boypren ni Kris Bernal na mag-propose ng kasal. At ngayon ay soon ay magiging misis na si Kris.
Kung matatandaan ay nakapanayam si Carla na nais daw niyang maging stable sa lahat ng bagay bago magpakasal at magkaroon ng sariling bahay at lupa para sa magiging pamilya. Tinatapos pa kaya ang dream house na ito kung bakit hindi pa nagpo-propose si Tom?
Ani naman ni Carla, nagbago na raw ang ihip ng hangin sa kanya ngayon, kahit daw hindi pa tapos ang bahay at lupa o kahit wala pa ito ay willing na si Carla na magpakasal. Nais din niyang magkaroon ng mga anak. Ang isa pa ay ang kanyang health condition na kahit malakas at malusog siya ngayon ay hindi naman ito kasiguruhan sa pagkakaroon na niya ng edad. Waiting na lang talaga ang byuti ni Carla sa proposal ni Tom at sana mangyari na ito in the nearest possible time.
Sa ngayon ay bisi si Carla sa bago niyang teleserye sa Siyete, ang “Love of my Life” kasama sina sina Rhian Ramos, Mikael Daez at Ms. Connie Reyes with the special participation of Tom Rodriguez.
KIM DOMINGO BUMAGAL ANG PROJECT NANG MAGBAGO NG IMAGE
KUNG gaano kabilis nagpapansin noon si Kim Domingo (na kamakailan lang nag-turn 25), sa early days niya sa mundo ng showbiz, ay siya namang bagal ng usad ng kanyang showbiz career ngayon.
Mula kasi ng pinalitan ni Kim ang kanyang packaging, mula sa pagiging palaban na sexy star into a more serious actress type ay tila dumalang ang mga ginagawang pelikula o teleserye.
May pagsisisi ba sa kampo ni Kim sa naging aksyon niya sa kanyang career image?
Ani ni Kim, mas happier and wiser na raw siya ngayon. Choice niya raw ang maging isang versatile actress kung kaya willing siyang maghintay na dumating ang isang masasabi niyang biggest break sa kanyang acting career.
Sa ngayon kasi ay bisi-bisihan lang si Kim sa “Bubble Gang” at sa pagiging bagong blogger niya sa social media.
Comments are closed.